Hugot Strike

Ika-dalawampu’t pito ng buwan ng Pebrero nang muli tayo magtagpo sa dulo.Wala kang masakyang auto.Welga kase, paano tayo makakarating ng recto?Kinawayan kita! Ngitian at sabay bati,

“Kamusta na?”

Tatalikod na sana ako at susuko nang bigla ko marinig ang tinig mo,

“Ok lang, Ikaw ba?”

Di ko alam kung niloloko lang ang sarili, nagpapanggap na sa tanong ko sumagot ka.Pero bigla nalinawan ng makita ko ang matamis na ngiti mula sa iyong mukha.Kanselado na ang klase. Pero bakit pa ako umaasa na ito ay mapahaba.

“Ngayon sana defense namin,buti na-cancel may oras pa kami para mag review, Ikaw ba?”

Tumahimik ulit ang paligid, sinisi ko ang sarili ano ba ang aking nasabi? Bigla kang tumawa, akala ko may dumi lang ako sa aking mukha.

Bakit nga ba kase sa dami ng pwede ko sabihin thesis ko pa ang ibinida ano ba pake mo dun diba?

Nang muli kang magsalita sinuguro kong ako’y mulat.

Aba, minsan lang tayo mag-usap.

Sa akin nakuha mo ring magbida,kinewento ang epic fail niyong depensa.Pero wala akong pake sa inyong depensa sa totoo lang  sa mga mapupulang labi mo lang ako noon nakatulala. Pinagmamasdan ang bawat ngiting sumisigit sa mga kwento mong minsan ko lang marinig. Nangangarap na ang sandali ay hindi mawagli.

“O’sige, Ayan may UV na una na ako sayo. Pupunta pa ako kina Jayson.”

Ngunit anumang pilit tadhana sa akin hindi talaga pabor. Sa sandaling ako’y maligaya na bigla ka naman magpapaalam. Hindi magawang pigilan pagkat malinaw na sa akin ay wala ka na.

Ang alam ko Strike ngayon ng mga driver ng Lumang Jeep. Pinaglalaban nila na sila ay wag idispatsya. Pero sa puntong ito ako rin ay nakikiisa sa strike!

Na sana ang lumang ako sayo ay muli mong pagbigyan, hayaan na ibalik ang masasayang alaala, tulatan na ika’y muling alagaan, Pagbigyan ang pusong humihingi ng kapatawaran sayo.

“Sana yung feelings mo parang presyo ng gasolina pwedeng iroll-back.”

Advertisements

Jeepney Love Story

Paano ko ba sasabihin?

Kung malabong ako‟y sagutin

Pagkat sino nga ba ako?

Diba pasahero lang din tulad mo.

Tumakbo na nga ang Jeepney,

Pero mata ko sayo‟y nanatili;

Iniisip na sana ika‟y akin,

Pangako ko naman di ka paluluhain.

Ngunit lahat ay naglaho,

Nang sinabi mong doon ka lang sa kanto;

Ako‟y nalungkot at sumimangot.

Pagkat ang panaginip ay nauwi sa bangungot.

Di ko man gustuhin,

Pero kailangan ko nang putulin.

Kay hirap mang tanggapin,

Pero ito‟y para sa akin.

Jeep ay umaandar at biglang huminto.

Sa pagpreno muling nagkulay ang mundo.

Puso ba‟y sadyang di makuntento

O sadyang sabik sa panibagong kwento.

Stuck beetween LOVE and TRAFFIC

fSabi nila mahirap daw mag move on kapag sobra mahal mo ang isang tao, ang sagot ko naman sa hugot nila, “Mas mahirap mag on kapag nasa EDSA ka!” minsan nga gusto ko nang sumuko at wag na lang daanan ang usad pagong na kalye na yan pero wala naman akong choice, kailangan ko dumaan dun dahil iyon lang din ang easiest way sa pupuntahan ko.

Bakit ba kase traffic sa EDSA?! Ito lang kase ang mga napansin ko kung bakit?

cs

  1. Sobrang dami kaseng Sasakyan sa isang lane nagsisiksikan. Nakakayamot yung ganyan! Lalo na yung mga bus na nagsisiksikan sa gitnang lane tapos biglang magsisitigil at mga magbaba o magsasakay ng pasahero. Parang Love yung tipo bang nasa isang daan o future yung tinatanaw niyo ng ka-spark mo kaso nung nasa halfway na kayo ng love story bigla may sumakay/umepal sa story niyo o kaya naman bigla ka niya binaba at iniwan sa gitna ng daan.
  2. Masyado kasing mayaman ang ilang mga dumadaan sa EDSA! Sa madalas kong pagdaan sa EDSA di ko maiiwasan na mamukhaan ang ilan ding dumadaan dito.Isa na dun yung mayamang tinago ko sa codename na CARLO, tuwing nakikita ko siya iba ang dala niyang kotse. Pinagisipan ko nga ring carnapper siya pero masyado siyang desendeng tignan kaya na-conclude ko na sadyang mayaman lang siya. Sa totoo lang hindi lang naman nagiisa si CARLO na may koleksyon ng kotse na dumadaan sa EDSA marami sila at patunay lang sila na karamihan sa atin ay hindi nakukutento sa isa. Lalo na pagdating sa pag-ibig yan nga diba ang madalas na sanhi ng paghihiwalay ang pagkakaroon ng higit pa sa isa, kase ang ilan sa atin di pa happy sa isa kaya naghahanap o kumukuha pa ng iba kaya iyon over kota na sila! Kaya sumisikip at nagkakagulo ang highway 69 dahil ang dapat na 1:1 ay nagiging unequal.jk
  3. Wala kase tayo disiplina! Tayo yan kase dahil aminin man natin o hindi lahat tayo ay paminsan-minsan ay nawawalan din ng disiplina. Sa EDSA ang laki ng placard na “BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY!” pero ganun pa man marami pa rin ang tumatawid. Sinabi na, na bawal magbaba/magsakay dito pero ala sige doon pa rin nag-unload at nagsakay ng pasahero ganyan tayo! Nakakatawa na nakakahiya isipin pero sadyang di tayo marunong sumunod malalakas kase loob natin! Matapang daw! Nag-aalab ang puso! Iyon natumbok mo! PUSO! Yan! Yan ang lagi natin sinusunod sinabi na sayo na wag mo siya mahalin masasaktan ka lang pero ala sige pakabaliw ka sa kanya o sino umiyak at kawawa nung huli diba ikaw rin? Tapos ano sino sisihin mo? Yung iba? Eh diba binalaan ka na pero sumunod ka pa rin! Wala eh yan ang EDSA at ang Pag-ibig halos di nagkakalayo.

EDSA isang daan nga bang gawa ng Tadhana?

Daan na sa atin ay nagpapaalala.

Na ang Pag-ibig ay sadyang mapaglaro,

Ngunit ganun pa man, wag ito  gawing biro.

Mabagal o mala-pagong man ang takbo

Matutong maghintay at wag magpadala sa init ng ulo.

Pagkat ligaya naman ay nasa dulo,

Inaantay lamang ang iyong pagkatuto.