Sikreto ni Loreto

Ang Sikreto ni Loreto

Ni: K

 

Buwan ng Pebrero nang makilala si Loreto.

Barberong maginoo at sobrang maskulado.

Lahat ng Babae napapahinto sa kanto,

Masilayan lang ang pinapantasyang barbero.

 

Minsan naisipan subukan ang kanyang serbisyo,

Sa kanyang mga kamay nakuhang magtiwala.

Isinantabi ang takot, kanyang kaharian  pinasok ko.

At nagulat na lang kung saan ako nito nadala.

 

Lugar na kailaman di ko naisip o narating man.

Lugar na puno ng kwento ng kaluwalhatian.

Lugar na bilin ng magulang na wag ko puntahan.

Ngunit dahil kay Loreto narating ko at nasilayan.

 

Ngunit ang Loreto nasa aking harapan ay iba.

Hindi siya ang tinitilian ng mga dalaga.

O ang loretong mala Samson ni Delilah,

Siya ay ibang-iba sa aking inaakala.

 

Sa aming paghihiwalay siya sa akin ay nagwika,

Ang nangyari samin ay sikreto lang sa madla.

Imaheng aking nakita para lang yata sa aking mga mata,

Kaya pinili kong manahimik, pagkahiya rin sa sarili ay nadarama.

 

Tunay nga pala ang kasabihan na winika nila,

Anumang tigas ng bagay ay lumalambot pa rin.

Kahinaan nitong tinitingala napagtanto ko na.

Sikreto niya na pilit kinukubli sa taong bayan.

 

Pagkat pagtanggap sa tulad niya ay Malabo,

Kaya pinili na lang niya sa dilim magtago.

Nagawang lumikha ng panibagong pagkatao,

Pagkat sa kanya di pa ata handa ang mundo.

 

Di mo siya masisi kung siya nagpaka-balatkayo,

Takot lang na di maintindihan ng ginagalawang mundo.

Mundo kung saan tulad niya ay di tanggap,

Marahil maiigi pa nga na katauhan manatiling alapaap.

 

Kaya si Loreto ay di magawang magpakatotoo.

Kanyang tingin sa sarili ay isang payaso.

Pilit itinatago ang lungkot at kasawiaan sa kanyang pagkatao.

Ito ang sugat sa loob ng sugat ng sikreto ni Loreto.

Advertisements