Hugot Strike

Ika-dalawampu’t pito ng buwan ng Pebrero nang muli tayo magtagpo sa dulo.Wala kang masakyang auto.Welga kase, paano tayo makakarating ng recto?Kinawayan kita! Ngitian at sabay bati,

“Kamusta na?”

Tatalikod na sana ako at susuko nang bigla ko marinig ang tinig mo,

“Ok lang, Ikaw ba?”

Di ko alam kung niloloko lang ang sarili, nagpapanggap na sa tanong ko sumagot ka.Pero bigla nalinawan ng makita ko ang matamis na ngiti mula sa iyong mukha.Kanselado na ang klase. Pero bakit pa ako umaasa na ito ay mapahaba.

“Ngayon sana defense namin,buti na-cancel may oras pa kami para mag review, Ikaw ba?”

Tumahimik ulit ang paligid, sinisi ko ang sarili ano ba ang aking nasabi? Bigla kang tumawa, akala ko may dumi lang ako sa aking mukha.

Bakit nga ba kase sa dami ng pwede ko sabihin thesis ko pa ang ibinida ano ba pake mo dun diba?

Nang muli kang magsalita sinuguro kong ako’y mulat.

Aba, minsan lang tayo mag-usap.

Sa akin nakuha mo ring magbida,kinewento ang epic fail niyong depensa.Pero wala akong pake sa inyong depensa sa totoo lang  sa mga mapupulang labi mo lang ako noon nakatulala. Pinagmamasdan ang bawat ngiting sumisigit sa mga kwento mong minsan ko lang marinig. Nangangarap na ang sandali ay hindi mawagli.

“O’sige, Ayan may UV na una na ako sayo. Pupunta pa ako kina Jayson.”

Ngunit anumang pilit tadhana sa akin hindi talaga pabor. Sa sandaling ako’y maligaya na bigla ka naman magpapaalam. Hindi magawang pigilan pagkat malinaw na sa akin ay wala ka na.

Ang alam ko Strike ngayon ng mga driver ng Lumang Jeep. Pinaglalaban nila na sila ay wag idispatsya. Pero sa puntong ito ako rin ay nakikiisa sa strike!

Na sana ang lumang ako sayo ay muli mong pagbigyan, hayaan na ibalik ang masasayang alaala, tulatan na ika’y muling alagaan, Pagbigyan ang pusong humihingi ng kapatawaran sayo.

“Sana yung feelings mo parang presyo ng gasolina pwedeng iroll-back.”

Advertisements

Suspended

Urgh… Anlamig…

Gumising ako ng maaga,
Pinainit ang  tubig  sa  kaserola.
Malakas ang  ulan,
Gusto ko pa yakapin ang  unan.

Pero  kailangan na kumilos,
Maaga pa ang  first subject ko…

Lumabas na ako ng bahay,
Bahang kalsada ang  sa  akin bumungad.
Ala!Sige  lusong! Waterproof ata  to!

Basang  nakarating sa  classroom,
Mga  kaklaseng lahat ay  busy
Tutok sa  Facebook, Abangers  sa  announcement ng suspension.

Dumating na nga  si  first prof.
Nawalan na ng Pag-asa ang  buong klase sa  suspension.

Nang magtagal tanggap namin na wala talaga,
Na kahit ano gawin  namin di  na talaga.

Pero  maya-maya ay may lumibot.
Pinamalita na Suspended na ang  klase.

Natuwa ang  ilan, ang  iba  nayamot naman.

Ako? Wala… Sanay  na ako.
Lagi  naman kase  ganun, puro  late call…

…ganun din kase  ginawa  niya  sa akin. Pinatagal pa ang  pagsagot tapos  bandang  huli hindi rin  ang  sagot.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako lumusong sa  ulan, Di ko na sana nilabanan ang  tadhana.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako nagpainit ng tubig  sa  kaserola, Di ko na sana Pinatulan ang tukso ng tadhana.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako bumangon sa  kama, Di ko na sana Pinahintulutan ang  pagpasok mo sa  aking mga  panaginip…

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga…

Kung Sinabi  mo  lang…

Kung Sinabi…

Kung…

Kung Sinabi mo  lang Suspend na di  na sana ako Pumasok…
Kung Sinabi mo  lang Di mo  ko kayang mahalin di na sana ako Umasa  pa.

Oo, Hindi ka taga PAG-ASA, pero  isa  ka tunay na PAASA.

Pasukan na!

Sa  wakas! Pasukan na!
May rason  na rin  ako para umalis sa  bahay, may allowance na  ulit, at syempre higit sa  makikita na kita ulit.

Grabe, 3 buwan din tayong  di nagkita at nagkausap. Di  mo  kase sinasagot mga  pm’s  ko sayo tapos  yung  number na  binigay mo  sakin  laging  out of coverage area.

Nung  march tayo huling  nagkita eh. Nung ibinigay sayo  yung  chapter 2 ng thesis niyo na  pinagawa sakin. Naalala ko pa nga  nun sabi mo  sakin  4 days due lang yun  pero  dahil inspired  all sayo  natapos ko yun  ng 2 nights. Di  ko na nga nagawa yung  isa  kong  plate para matapos ko yun  pero  ok  lang kase sabi  mo  ang  group mo  highest at ikaw naman ang  may most outstanding chapter.

Hay nako, sana bumilis na yung  oras  para makita na kita  ulit. Alam ko kase na kakailanganin mo  ulit ako sa  mga  projects at assignments mo.

Pero??? Hanggang  ganito na lang na tayo? O meron  bang tayo?
Pasukan na bukas… Isang  buong school year ba  ako ulit aasa  sayo?

Magtatapos na nga tayo ng kolehiyo.
At ilang thesis,projects at assignments mo  na rin Ang nagawa ko.
Pero  ang  salitang TAYO sa  relasyon mayroon  tayo ay mananatili pa rin bang MALABO?

Akala ko ba  “OK” ako at “The best”?
Iyan  kase ang sagot  mo  sakin  sa  tuwing  ibinibigay ko sayo  ang  mga  pinagagagawa mo sa  akin.

Isa lang bang metaphoric expression yun  na ang  tunay na kahulagan ay  “Thank you” o isang  Sarcastic expression na ang  kahulugan ay  “OK to! Sige  sa  susunod na lang ulit.”

Ayoko sana magisip ng masama,
Na ginagamit mo  lang ako pero  parang  iyon lang ang  malinaw sa  ugnayan na meron  tayo.

Kaya  matutulog na ako, excited na ako makita ka! Excited na ako ipakita sayo  na Hindi na ako yung lalakeng kaya mong gaguhin at gamitin. Iba  na ako…

Iba  na ako. Nagbago na ako!