Hugot Strike

Ika-dalawampu’t pito ng buwan ng Pebrero nang muli tayo magtagpo sa dulo.Wala kang masakyang auto.Welga kase, paano tayo makakarating ng recto?Kinawayan kita! Ngitian at sabay bati,

“Kamusta na?”

Tatalikod na sana ako at susuko nang bigla ko marinig ang tinig mo,

“Ok lang, Ikaw ba?”

Di ko alam kung niloloko lang ang sarili, nagpapanggap na sa tanong ko sumagot ka.Pero bigla nalinawan ng makita ko ang matamis na ngiti mula sa iyong mukha.Kanselado na ang klase. Pero bakit pa ako umaasa na ito ay mapahaba.

“Ngayon sana defense namin,buti na-cancel may oras pa kami para mag review, Ikaw ba?”

Tumahimik ulit ang paligid, sinisi ko ang sarili ano ba ang aking nasabi? Bigla kang tumawa, akala ko may dumi lang ako sa aking mukha.

Bakit nga ba kase sa dami ng pwede ko sabihin thesis ko pa ang ibinida ano ba pake mo dun diba?

Nang muli kang magsalita sinuguro kong ako’y mulat.

Aba, minsan lang tayo mag-usap.

Sa akin nakuha mo ring magbida,kinewento ang epic fail niyong depensa.Pero wala akong pake sa inyong depensa sa totoo lang  sa mga mapupulang labi mo lang ako noon nakatulala. Pinagmamasdan ang bawat ngiting sumisigit sa mga kwento mong minsan ko lang marinig. Nangangarap na ang sandali ay hindi mawagli.

“O’sige, Ayan may UV na una na ako sayo. Pupunta pa ako kina Jayson.”

Ngunit anumang pilit tadhana sa akin hindi talaga pabor. Sa sandaling ako’y maligaya na bigla ka naman magpapaalam. Hindi magawang pigilan pagkat malinaw na sa akin ay wala ka na.

Ang alam ko Strike ngayon ng mga driver ng Lumang Jeep. Pinaglalaban nila na sila ay wag idispatsya. Pero sa puntong ito ako rin ay nakikiisa sa strike!

Na sana ang lumang ako sayo ay muli mong pagbigyan, hayaan na ibalik ang masasayang alaala, tulatan na ika’y muling alagaan, Pagbigyan ang pusong humihingi ng kapatawaran sayo.

“Sana yung feelings mo parang presyo ng gasolina pwedeng iroll-back.”

Advertisements