Bakit kailangan niyo mag kita-kita para sa “kita kita”?

So ito na nga yun mga bes! So last night nanonood ako nung “kita kita”. Sa totoo lang bes di ko talaga ineexpect na ganito ang magiging epekto niya sa akin. Akala ko tipikal na pinoy rom-com siya pero bes I was wrong.

Kaya naman sa blog ko na ito, bibigyan kita ng 10 dahilan kung bakit kailangan niyo magkita-kita para lang mapanood ang kita kita sa sinehan near you. At para mas masaya I will make this post the “Lea and Tonio” (Leading role sa movie) way. 

1. Isa, mag-isa lang ako nanonood sa sine. Pero bes kahit mag isa lang ako feeling ko kasama ko buong barangay grabe walang dead air sa sinehan. Bawat banat ni Tonio (Empoy) lahat nagtatawanan. Actually nanakit panga ko sa kakatawa.

2. Dalawa, Dalawang buwan kong inantay ang showing nito. At di tulad nung paasang babaeng nakilala ko sa tinder, Bes ito worth it! As in super worth it ang paghihintay ko. Di ko alam kung paano ko siya ipuput into words pero super ganda talaga.

3. Tatlo, Tatlong beses ko pinigilan ang pagihi sa loob ng sinehan. Kase ayaw ko pumuslit at may mamiss na eksena. Kase nga simula pa lang panalo na. Na-hook na ako. Kumbaga na love at first sight ako. 

4. Apat, Apat na beses ako nautot sa kakatawa. Grabe buti na lang at malakas din ang tawanan sa sinehan kase kung hindi nako instant celebrity ako nun. Pero RT talaga. Nakaapat ako dun. Grabe kase di ko na napigilan. Buti nga di ako kinabag kakatawa eh.

5. Lima, Lima lang ang karakter sa kwento. Kaya hindi mahirap tandaan ang mga casts at hindi paikot-ikot ang kwento. Hindi tulad nung lovelife mo na maraming casting pero pinapa ikot-ikot ka lang naman.

6. Anim, Anim higbi ang ginawa ko noong naging madrama na ang kwento. Oo, umiyak ako! Di ko tinupad ang pangako ko sa sarili na walang iyakan. Wala relate kase bes. Sapul na sapul nga eh! 

7. Pito, Pito whistle yan sa english! Corny diba? Pero bakit kapag si Empoy na bumabato ng mga joke funny pa rin kahit corny! Kaya please lang Master Empoy, “How to be you po?”

8. Walo. Walo ang niyaya ko para samahan nila ako manood pero ayaw nila kase pinoy daw ambaduy pa. Pero ngayon nagkwento ako kanila. Ayun nasa sinehan na sila ngayon. O’diba calling the attention of “Kita Kita” ni-promote ko po ang film niyo, Baka naman..??

9. Siyam, Siyam na beses pinatunayan ni Empoy na “Funny is the new pogi”. As in tinayo ni Empoy ang bandila naming mga hopeless romantic na hindi nabiyayaan ng face value at ng abs. Buhay na patunay si Empoy sa kanta ni Andrew E. na “kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.”.

10. Sampu, Sampung beses ko pinadyak ang mga paa ko dahil sa ending nitong makapigil hininga. As in lahat ng tao sa sinehan ay biglang tumahimik yung tipong parang may dumaan na anghel. Tapos bigla bubukas ang ilaw ng sinehan at makikita mo na lahat ay maluha-luha. Hindi ako OA pero as in lahat talaga. Mapalalake o babae, beki o toms as in lahat ng nasa sinehan. Ganyan kalupit si Idol Empoy.

Sa totoo lang, kulang pa yang mga dahilan na yan, pero bes wag ka na magpatumpik-tumpik pa! Kung gusto mo mabago ang paningin at pananaw mo sa pinoy rom-com movies nako panoorin mo na ang Kita Kita. 

Sama mo friends mo! Tapos mag dare kayo ang unang bumigay at mapaluha manlilibre ng Ice Cream. Share mo ‘to ah. Para pag marami reads popost ko naman ang “10 Aral na nadampot ko sa “Kita Kita”.

Advertisements

Dear Bes,

Dear Bes,

Nagsimula lang naman ang kwento sa simpleng “Hi/Hello” sa Facebook, Naglakas loob na i-chat ka matapos ang isang tagging activity sa iisang litrato sa facebook na nandoon kayong dalawa. Sa totoo lang hindi  naman niya talaga intensyon pahabain ang usapan noong mga panahon na yun pero ewan ba niya kung bakit humaba nang humaba hanggang sa dumalas na nga rin ng dumalas.

Ang simpleng “Hi/Hello” ay nadagdagan na ng “kamusta?” “kumain ka na ba?” at kung ano-ano pang mga introhan para lang mas humaba pa ang  oras ng ating pag-uusap. Hanggang sa hindi na nga niya napiglilan pa ang kanyang nararamdaman. Oo, na-fall na siya sayo.

Pero hindi naman siya ganoong ka- hopeless romantic na para isipin ang simpleng pag post sa blog ng kanyang true feelings ay siyang sagot sa katorpehan na bumabalot sa kanyang katauhan.

Siguro at the back of his mind, He was thinking that he might once and for all confess his true feeling without even waiting in vain for an answer. I mean baka kahit papaano mabawasan ang mga “what ifs” na naglalaro sa isipan niya. What if di niya ako gusto? What if mafriendzone lang ako? thinking those kind of stuffs that this crazy love offer us could make this man think for ages.

And siguro with this hindi na niya kailangan antayin ang sagot mo. If you get his message then decided to give him a chance then it’s an ace for him but if this blog confession makes you say no to him, he can just confidently say “Echosera! Felling mo naman?” . He can even deny it himself and take all the pain discretely na parang vibration lang ng phone niya sa tuwing tumatawag ang parents niya.

Effective din siguro ang pag-snob mo sa mga msg niya at sa hindi niyo paguusap for 1 week 3 days 7 hours 02 minutes and 33 seconds. Kase nagkaroon siya ng enough time para pagisipan ng maiigi itong kalokohan na papasukin niya. For the first time! Kinalimutan niya ang pagkatorpe niya para lang maisulat ang blog na ito.

Tapos na rin siya pagtugma-tugmain ang mga detalye kung paano ka ba niya napusuan na sobra-sobra. Na kung paano ba tila nakikita niyang tadhana ang nagsasabi sa kanya na wag ka na niya pakawalan. Na mula sa mga maliit na detalye na pilit niyang sinasabi sa sarili na baka coincidence lang pero tila patuloy na bumabagabag sa isip niya at pinipilit siyang paniwalain na tadhana talaga ay may gawa noon. Ang isang linggo pagkakaroon niya ng LSS sa OST ng Beauty and Beast at sa hindi niya mawari kung bakit si Belle pa ang nakuha mong gayahin, o maging sa mga litrato na tila ba nagtitinginan mula sa malayo ang mga maliit na detalye na patuloy nagpapabaliw at nagpapalito sa kanyang nararamdaman.

Hindi niya alam. Wala siyang alam. Lalo na sa mga oras na ito na panay lamang ang pindot niya tipaan, bahala na kung anong mga salita ang mabuo ang mahalaga sariling haraya niya ang nagpapatakbo.

Kaya hindi ko pa rin lubos maiisip kung ito nga ba ay isang kumpisal ng isang aspiranteng manliligaw sa isang dilag na siyang diwa ng kanyang mga haraya. Hindi siya umaasa sa matamis na oo, tanging pagkakataon lamang ang kanyang hinihiling. Na sa iyo ang huling hatol…

at ang panapos sa istoryang ito…

 

Secretly Loving Since Sept 30, 2016

Bes (wag sanang Forever)

Jeepney Love Story

Paano ko ba sasabihin?

Kung malabong ako‟y sagutin

Pagkat sino nga ba ako?

Diba pasahero lang din tulad mo.

Tumakbo na nga ang Jeepney,

Pero mata ko sayo‟y nanatili;

Iniisip na sana ika‟y akin,

Pangako ko naman di ka paluluhain.

Ngunit lahat ay naglaho,

Nang sinabi mong doon ka lang sa kanto;

Ako‟y nalungkot at sumimangot.

Pagkat ang panaginip ay nauwi sa bangungot.

Di ko man gustuhin,

Pero kailangan ko nang putulin.

Kay hirap mang tanggapin,

Pero ito‟y para sa akin.

Jeep ay umaandar at biglang huminto.

Sa pagpreno muling nagkulay ang mundo.

Puso ba‟y sadyang di makuntento

O sadyang sabik sa panibagong kwento.

Christmas in the Philippines

Christmas-Its+More+Fun+In+The+Philippines

“Christmas is coming and Filipinos are already cramming.”

17 days before Christmas, Excited ka na ba? well, kung Pinoy ka alam kong excited ka na, syempre kilala ang Pilipinas bilang bansa na pinakamahaba mag diwang ng pasko sa buong mundo. yung tipong kakatanggal lang ng mga Halloween Decorations and in just a blink of your eyes everything that was creepy turns into something festive.

what’s new Pinas yan eh! but how does a typical Filipino know when Christmas is coming? Ano nga ba ang mga senyales sa paligid na nagpapahiwatig sa atin na ang Pasko ay papalapit na.


 

  1. Kilala mo ba siya? Well siya lang naman ang sikat na Chinese Filipino singer and songwritter na kilala natin lahat sa pangalan na Jose Mari Chan.

jmc-slide-1-640x350

Mr. Jose Mari Chan was known by most of the Filipinos in his songs Beautiful Girl and Can we Just Stop and Talk for a While.

But among all of his contribution to the music industry, one thing that made him more popular in this generation was his songs about Christmas.

Filipinos would say  “Pasko na kung ang maririnig mo sa mga Mall ay mga kanta ni Jose Mari Chan.” .

kaya naman check na check sa ating listahan si Mr. Jose Mari Chan pagkat isa nga ang mga kanta niya sa mga nagpapaalala sa atin na ang Pasko ay malapit na.


 

d

2. Second on our list was Christmas Tiangge/Bazaar. Isa sa mga nagpapaalala sa atin na Pasko na ay ang mga nagsusulputang mga Christmas Tiangge/Bazaar sa mga kanya-kanyang lugar. Sa amin sa Marikina, We have this Christmas Tiangge/Bazaar by the the side of our river (Marikina River). Mas kilala siya as Tiangge sa Ilog/Riverbanks.

But what’s in this Bazaar that make people feel Christmas on it?

Class A’s merchandises (Perfect for Gifts and Giveaway for Christmas) that much more cheaper than those items you can buy on the malls. I think that’s the most reason why Filipinos feel Christmas on it. Likas kase sa ating mga Pilipino ang pagiging magbigay lalo na kapag pasko pero at same time likas din sa atin ang pagiging praktikal at tipid kaya naman instead of buying items on the malls to wrap them as Christmas gift for someone we much prefer to shop in tiangge/bazaar to save more money and even enjoy the shopping activity with someone who in your same shoes and stroll the whole area looking for best deals and discount and even enjoy live amusements and foods that can also found along the area.

That “Nakarami ka na,Nakatipid ka pa at may bonus gala pa” feeling.


 

3.bibingka-at-puto-bumbong

“Boom!Boom! BIBINGKA! BOOM! PUTO BUMBONG!”

Isa rin sa mga nakagisnang tradisyon din nating mga Pilipino ay ang Misa de Gallo, pero bukod sa pagsisimba tuwing gabi isa rin sa nagpapakulay sa selebrasyon ng nanalapit na pasko ay ang nangaakit na Puto Bumbong at Bibingka na siyang naghahalina at nangaakit sa atin tuwing papasok tayo sa mga simbahan tuwing Misa de Gallo.

Syempre sino ba ang hindi mahahalina sa mabangong amoy nito, sa totoo nga habang ginagawa ko to ay tila bang naglalaway ako at natatakam. Hahaha…

kaya naman pasok ang puto bumbong at bibingka sa listahan natin.

(Tara kain na tayo!)


 

4. Simbang Gabi / Misa de Gallo

s

Syempre di mawawala sa listahan natin ang isa nga sa mga nagpapakulay at nagbibigay ng sigla sa ating kapaskuhan at ito nga ay ang Misa de Gallo o mas kilala natin sa tawag na Simbang Gabi.

The “Simbang Gabi” is a long treasured Philippine tradition originally a series of “dawn masses” for nine consecutive days before Christmas Day. Its liturgical significance emanates from the Season of Advent, being the time of spiritual preparation and purification to worthily welcome and receive the Child Jesus in our midst. The Mass at Dawn, Simbang Gabi, is a nine-day novena to the Blessed Mother. It starts every December 16th and is one of the longest and most important religious celebrations in the Philippines that has lasted over 600 years.

Pero bukod sa pagiging tradisyon nito para sa mga Katolikong Pilipino, ang ilan ay tinuturing din itong isang panata at paniniwala kung saan kapag nakumpleto nila ang siyam na gabi anumang kanilang hilingin o ipagdasal ay matutupad.

ganun pa man, Isa pa ring napakahalagang paalala para sa mga Pilipino ang pagsisimula ng Simbang Gabi pagkat isa rin itong tanda na palapit na ng papalapit ang pasko.


 

and last but not the least…

5. Pasko na sa Pinas kung…

Naririnig mo na sila na naghaharana sa harap ng inyong mga tahanan.ee

Ang mga batang nangangaroling! Isa din sila sa mga nagpapaalala sa atin na nalalapit na ang pasko.

Ang walang kamatayang “Pasko na naman” at “Joy to the World” na bitbit nila at kanikanta sa harap ng inyong mga tahanan.

Yung tipong kahit sinabi mo nang “Patawad” ay pahirit pa sila at tatapusin pa rin ang kanta kahit inisnob mo ang mala-AMA’s nilang performance.

Ang ilan nga ay papatayan pa sila ng ilaw o kaya ay pakakawalan ang alagang aso para lang pahintuin sila. Pero pinoy performer sila kaya no matter what “The show must go on.”

Naalala ko nung kabataan ko madalas din ako magsasama sa mga kalaro para mangaroling at dahil cute cute pa kami nun madalas ay nakakarami kami, pero ngayong malalaki na kami hula ko abonado pa kami sa tansan kung mangangaroling pa kami.

 


At iyon nga! nakumpleto na natin ang ating listahan. may nakalimutan ba ako? let me know, malay magawan pa natin ng Part 2 ang article na ito.