Walang Sagot sa Lahat ng Bakit

Sa araw-araw na lang, lagi mo inuulan ang sarili mo ng mga bakit?

“Bakit kaya hindi niya ako mapansin?”

“Bakit kaya mahal pa rin niya yung walanghiya niyang Ex?”

“Bakit kaya hanggang mag kaibigan lang kami?”

“Bakit kaya hindi niya ako magawang mahalin?”

Mga bakit na pataksil na sumasaksak sa ating mga damdamin at unti-unti tayo pinapatay sa sampal nitong mga sagot na pilit nating inililihis sa katotohanan at pinapaniwala ang mga sarili natin na kahit wala naman talaga ay mayroon pa ring pag-asa na umayon sa atin ang sagot sa mga tanong na ito.

Wala ka kasing kadala-dala, sinabi na ng utak mo na itigil mo na pero sinunod mo pa rin ang puso mo at patuloy kang nagmahal. Masisi mo ba ang sarili mo? Eh lumaki sa mundo kung saan ang mga tao ay naniniwala sa himala. At ang mahalin ka niya pabalik ang himalang pinagkakadasal-dasal mo.

Wala rin namang mali ang magmahal ng lubusan, Ang ibigay ang buong atensyon at tiwala sa taong mahal mo na walang hinihinging kapalit. Na kahit alam mong ginagamit ka lang niya ay patuloy ka pa rin sa ginagawa mo dahil aminin mo man o hindi ay umaasa ka na magbabago ang lahat at aayon ito iyo.

Pero hindi ganoon ang reyalidad, hindi totoo ang istorya ng isang prinsepeng hinanap ang isang dalagang nakaiwan ng kapares ng sapatos sa kanyang kaharian o ang isang babaeng handang halikan ang isang palaka dahil lamang nakaramdam siya ng pagmamahal.

Pakiramdaman at paunahan sa pagsasabi ng tunay na nararamdaman ang labanan ngayon sa kasalukuyan. Birong tunay ang taguring “Talo ang unang ma-fall o bumigay ang feelings”.

Walang sagot sa lahat ng bakit! Dahil wala rin naman saysay ang pagtatanong ng bakit kung sa una pa lang ay alam mo na hinahanap mong kasagutan. Na kung sa una pa lamang ay alam mo na kung ano ang hangganan ng inyong pagsasamahan, na sa una pa lamang ay alam mo na salitang “TAYO” sa pagitan niyong dalawa ay sadyang malabo.

Wag mo ulanin ang sarili mo ng bakit? ikaw lang mismo ang sasagot sa mga tanong na bumubulabog sa iyong isipan. Kumilos imbis na magsalita. Walang mararating ang mga salitang “Mahal na kita” kung hindi mo ito magagawang patunayan at ipaalam sa kanya.

Ang mga haraya na nagpapatakbo sa malikhain mong kaisipan upang makagawa at makapagsulat ng mga tulang alay sa kanya ay mananatili lamang sa iyong isipan kung hindi mo ito magagawang isabuhay.

Tandaan mo, Walang sagot sa lahat ng bakit.

No Pics for this one.

Hello!

Kamusta ka na? Nga pala nagsusulat na nga pala  ako ulit! Pero iba  na this time. Wala nang pictures or mga  nakakaaliw na GIF.

At syempre di na para sayo…

Oo  tama  ka ng nabasa.HINDI NA PARA SAYO. (All caps para intense)

Kase  pagod na ako. Pagod na ako gawin  kang  inspirasyon sa lahat ng sinusulat ko. Pagod na ako patuluyin ka mala-disney fairy tale na imagination ko. At pagod na ako isulat pilit  ang love story nating  dalawa…

So ano na ba  to? Break up letter?! Kind of? Sort of? Maybe? Somehow? This could be anything else you wanted it to be… Tutal  iyon naman ang laging  nangyayari.

You are always the one who decide when it come to us? Pero wait… May US ba? Kind of? Sort of? Maybe? Somehow? O’diba same same lang din.

Anlabo kase  natin… Kaya nga there’s no picture for this one eh. Kase  we never had a clear picture of whatever we are?

Kaya  iyon na… Tapos  na to!
Malaya ka na, at makakatulog na ako.
Pagod na ako…

I mean yung puso ko.