Bakit kailangan niyo mag kita-kita para sa “kita kita”?

So ito na nga yun mga bes! So last night nanonood ako nung “kita kita”. Sa totoo lang bes di ko talaga ineexpect na ganito ang magiging epekto niya sa akin. Akala ko tipikal na pinoy rom-com siya pero bes I was wrong.

Kaya naman sa blog ko na ito, bibigyan kita ng 10 dahilan kung bakit kailangan niyo magkita-kita para lang mapanood ang kita kita sa sinehan near you. At para mas masaya I will make this post the “Lea and Tonio” (Leading role sa movie) way. 

1. Isa, mag-isa lang ako nanonood sa sine. Pero bes kahit mag isa lang ako feeling ko kasama ko buong barangay grabe walang dead air sa sinehan. Bawat banat ni Tonio (Empoy) lahat nagtatawanan. Actually nanakit panga ko sa kakatawa.

2. Dalawa, Dalawang buwan kong inantay ang showing nito. At di tulad nung paasang babaeng nakilala ko sa tinder, Bes ito worth it! As in super worth it ang paghihintay ko. Di ko alam kung paano ko siya ipuput into words pero super ganda talaga.

3. Tatlo, Tatlong beses ko pinigilan ang pagihi sa loob ng sinehan. Kase ayaw ko pumuslit at may mamiss na eksena. Kase nga simula pa lang panalo na. Na-hook na ako. Kumbaga na love at first sight ako. 

4. Apat, Apat na beses ako nautot sa kakatawa. Grabe buti na lang at malakas din ang tawanan sa sinehan kase kung hindi nako instant celebrity ako nun. Pero RT talaga. Nakaapat ako dun. Grabe kase di ko na napigilan. Buti nga di ako kinabag kakatawa eh.

5. Lima, Lima lang ang karakter sa kwento. Kaya hindi mahirap tandaan ang mga casts at hindi paikot-ikot ang kwento. Hindi tulad nung lovelife mo na maraming casting pero pinapa ikot-ikot ka lang naman.

6. Anim, Anim higbi ang ginawa ko noong naging madrama na ang kwento. Oo, umiyak ako! Di ko tinupad ang pangako ko sa sarili na walang iyakan. Wala relate kase bes. Sapul na sapul nga eh! 

7. Pito, Pito whistle yan sa english! Corny diba? Pero bakit kapag si Empoy na bumabato ng mga joke funny pa rin kahit corny! Kaya please lang Master Empoy, “How to be you po?”

8. Walo. Walo ang niyaya ko para samahan nila ako manood pero ayaw nila kase pinoy daw ambaduy pa. Pero ngayon nagkwento ako kanila. Ayun nasa sinehan na sila ngayon. O’diba calling the attention of “Kita Kita” ni-promote ko po ang film niyo, Baka naman..??

9. Siyam, Siyam na beses pinatunayan ni Empoy na “Funny is the new pogi”. As in tinayo ni Empoy ang bandila naming mga hopeless romantic na hindi nabiyayaan ng face value at ng abs. Buhay na patunay si Empoy sa kanta ni Andrew E. na “kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.”.

10. Sampu, Sampung beses ko pinadyak ang mga paa ko dahil sa ending nitong makapigil hininga. As in lahat ng tao sa sinehan ay biglang tumahimik yung tipong parang may dumaan na anghel. Tapos bigla bubukas ang ilaw ng sinehan at makikita mo na lahat ay maluha-luha. Hindi ako OA pero as in lahat talaga. Mapalalake o babae, beki o toms as in lahat ng nasa sinehan. Ganyan kalupit si Idol Empoy.

Sa totoo lang, kulang pa yang mga dahilan na yan, pero bes wag ka na magpatumpik-tumpik pa! Kung gusto mo mabago ang paningin at pananaw mo sa pinoy rom-com movies nako panoorin mo na ang Kita Kita. 

Sama mo friends mo! Tapos mag dare kayo ang unang bumigay at mapaluha manlilibre ng Ice Cream. Share mo ‘to ah. Para pag marami reads popost ko naman ang “10 Aral na nadampot ko sa “Kita Kita”.

Hugot Strike

Ika-dalawampu’t pito ng buwan ng Pebrero nang muli tayo magtagpo sa dulo.Wala kang masakyang auto.Welga kase, paano tayo makakarating ng recto?Kinawayan kita! Ngitian at sabay bati,

“Kamusta na?”

Tatalikod na sana ako at susuko nang bigla ko marinig ang tinig mo,

“Ok lang, Ikaw ba?”

Di ko alam kung niloloko lang ang sarili, nagpapanggap na sa tanong ko sumagot ka.Pero bigla nalinawan ng makita ko ang matamis na ngiti mula sa iyong mukha.Kanselado na ang klase. Pero bakit pa ako umaasa na ito ay mapahaba.

“Ngayon sana defense namin,buti na-cancel may oras pa kami para mag review, Ikaw ba?”

Tumahimik ulit ang paligid, sinisi ko ang sarili ano ba ang aking nasabi? Bigla kang tumawa, akala ko may dumi lang ako sa aking mukha.

Bakit nga ba kase sa dami ng pwede ko sabihin thesis ko pa ang ibinida ano ba pake mo dun diba?

Nang muli kang magsalita sinuguro kong ako’y mulat.

Aba, minsan lang tayo mag-usap.

Sa akin nakuha mo ring magbida,kinewento ang epic fail niyong depensa.Pero wala akong pake sa inyong depensa sa totoo lang  sa mga mapupulang labi mo lang ako noon nakatulala. Pinagmamasdan ang bawat ngiting sumisigit sa mga kwento mong minsan ko lang marinig. Nangangarap na ang sandali ay hindi mawagli.

“O’sige, Ayan may UV na una na ako sayo. Pupunta pa ako kina Jayson.”

Ngunit anumang pilit tadhana sa akin hindi talaga pabor. Sa sandaling ako’y maligaya na bigla ka naman magpapaalam. Hindi magawang pigilan pagkat malinaw na sa akin ay wala ka na.

Ang alam ko Strike ngayon ng mga driver ng Lumang Jeep. Pinaglalaban nila na sila ay wag idispatsya. Pero sa puntong ito ako rin ay nakikiisa sa strike!

Na sana ang lumang ako sayo ay muli mong pagbigyan, hayaan na ibalik ang masasayang alaala, tulatan na ika’y muling alagaan, Pagbigyan ang pusong humihingi ng kapatawaran sayo.

“Sana yung feelings mo parang presyo ng gasolina pwedeng iroll-back.”

Ikaw… Ako… at Tayo.

anime-art-beautiful-black-and-white-Favim.com-2171987 IKAW… Sino ka ba? Kaibigan? Matalik na Kaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon ka nga isang matalik na kaibigan. Ikaw, Ikaw lang naman ang pinakaiinisan kong babae sa buong mundo ikaw lang kase ang babaeng kilala kong handang magpakatanga sa lalaking mahal na mahal niya. Pero kahit ganun wala naman ako magagawa kase nga ikaw, Ikaw lang naman ang Pinaka Matalik kong kaibigan. Kaya kahit paulit-ulit na lang  kita nakikitang umiiyak dahil sa lalaking kailanman di ka inalagaan ng tama ay nandito pa rin ako… nagbibigay ng payo sayo, mga payo na lagi namang pabor sayo… Mga payong sana noon pa man ay sinunod mo na…

 

7d3ace11f5bd6a0b2cd2b49dabdb8110AKO… Sino nga ba ako? Kaibigan? Matalik na kaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon nga  ako isang matalik na kaibigan.

Ako ay matalik na kaibigan lang…

Kaya naman kahit na Pagod na ako makita kang umiiyak, nasasaktan at nahihirapan wala akong ibang maibibigay kundi ang panyo at mga payo ko.

Na kahit alam ko na kayang-kaya kong higitan ang pagmamahal niya sayo wala naman ako magagawa kundi ang kamustahin lang kayo.

Na sa tuwing aamin ako sayo tungkol sa tunay na nararamdaman ko ang tanging lumalabas sa bibig ko ay “kumain ka na ba?” .

Pero anuman ang pagpupumilit ko ang Ako para sayo ay mananatiling malabo dahil hanggang tropa,bessy, pards, at bestfriend lang ang pagkakakilala mo sa akin.

09dbbc3a6762302c76c2701d8bd02371

 

TAYO…. Sino nga ba Tayo? Magkaibigan? Matalik na magkaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon nga  Tayo ay matalik na magkaibigan.

Iyon lang at wala ng iba…

Masakit pero iyon ang totoo. Meron ngang TAYO pero yung hindi naman TOTOO.

Yung Tayo na Tayo pero Malabo kase nga wala namang tayo.

Magulo at Malabo ganun pala yung feelings kapag matagal mong itinago.

Pero ano pa nga ba magagawa ko? Mahal mo siya, Mahal naman Kita.

Parehas naman tayo nagmamahal ang pagkakaiba nga lang…

Ikaw sa kanya, Ako sayo.

Si Tanga, Si Martir at Si Dakila

Nagmahal ka na ba?

Nasaktan ka na ba?

Sabi nila hindi raw masasabi na ang isang tao ay nagmahal kung hindi pa siya nasaktan  kailanman. Pero masasabi pa ba natin na pagmamahal ang isang bagay kung palagi na lang tayo nasasaktan?

heartache_by_vranckx-d56bfrm

Si Tanga… Oo mapagmahal siya! Siya ang pinakaloyal na partner sa balat ng lupa. naniniwala siya na “Love wins.” kaya pagdating sa relasyon siya ay handang paulit-ulit na masaktan, mapaglaruan, mauto, magamit, maloko, mabudol-budol dahil sa huli naniniwala pa rin siya na “Love wins”. kaya ang ending inabot na siya sa pagputi ng buhok niya pero ngangabells pa rin. Wala eh! TANGA! “Love wins” pa-more.

44847923

Si Martir… Siya naman ang ever supportive na lover sa balat ng universe! Sa sobrang supportive niya pati pagiging Friendzone, Heartbroken at Supal Overload niya ay patuloy niyang sinusuportahan. Naniniwala kase siya na “Friendship lasts longer.” kaya yun longer din ang ka-dramahan, Third wheeling, at bitterness niya! Wala eh MARTIR daw siya! BEST SUPPORTING ROLE ang peg niya bigyan ng jacket ang mapagpanggap na yan!!!  -_-

kGlbua

Huli, Si Dakila… siya ang bida ng bawat relasyon sa sanlibutan siya si Superman, si Spiderman at si Batman pede ring Super Inggo. Naniniwala siya na “If you love someone you gotta learn to let them go.” mga fans kase ni Steve B kaya yun mga Dakilang Tagapagparaya! Ok lang naman daw kase, kase sabi nga ni Spiderman siguro kung hindi niya pinilit ang relasyon nila ni Mary Jane di sana to namatay. Si Dakila naman tama lang daw na palayain niya si love of his/her life kase mas liligaya ito sa piling ng iba (di pa nakuntento kay Steve B pati si Imelda Papin inodilo din).

Sa Pag-ibig pare-parehas tayong malaya kaya nga walang eksaktong depinisyon ang Love kase iba iba tayo ng persepsyon dito. At ang misteryo ng tunay na kahulugan nito ay wala sa kung ano mang libro,qoutation, kanta at hugot ang tunay na kahulugan nito ay tanging nakadepende lang sa taong nakakaramdam nito.

Pero ganun pa man sana sa huli ay hindi ka matulad kina TANGA, MARTIR at DAKILA.

Ikaw din mahirap nang tumandang dalaga/binata. 🙂