3 Reasons why Jollibee’s Valentines Series “Vow”is your tear jerking experience chicken ever.

Kagabi pinasimulan na ng Jollibee ang kanilang speacial Valentines Day Campaign Ads Series. At isa nga sa bumulabog sa mga netizens ay ang tinaguriang “the best friendzone story  ever aired” na pinamagatan na “Vow”.

Tungkol sa dalawang tipikal na kostumer ng jollibee ang kwento na unexpectedly ay mayroong same taste when it comes sa choice of order sa jollibee. Ang similarity rin nila na ito ang nagdala sa kanila through this scene…

This slideshow requires JavaScript.

Kasalan? Ang sagot… Yes na yes, but the twist is they might be on the same occasion but the thing is they are not there for the same reason. Ang rason why the girl is there is to marry someone but the guy on the other hand wasn’t there marry or be tied with someone, He was there to support his BESTFRIEND marriage.

Yup! Tama nga yan nabasa niyo! because tulad nga ng sabi ko ito ang the best friendzone story ever, So iyon si kuya mong guy over there was a proud member of 3N’s (Nagmahal, Nasaktan,Nag-chickenjoy).

Pero were not here to discuss the tragic friendzone story of chikenjoy friendzone victim. Nandito tayo to reason out why this  Jollibee’s Valentines Series “Vow”is your tear jerking chicken ever.

Kaya wag na natin pahabain pa let’s go to Reason #1

  1. Jollibee tagline “Bida ang Saya” turns to “Bida ang Sawi” realquick.5

Dahil sa unexpectedly twist na napanood ng mga netizen at sa dalang emotion ng ending line kumat ang mga komento sa social media na hindi lang ang mga masasaya ang bida sa jollibee, naging instant bida na rin ang mga sawi dahil sa Campaign ad na ito.

People in a state of  being in a “friendzone” would see this ad as inspiring yet still with a kurot sa puso feeling pa rin.

For me the scene that sums up the guy emotion is the scene where he had an eye contact with bride. Ang lakas lang maka-drama nung effect na yun feel na fell mo yung electrifying emotions nung guy. Yung feeling na masaya ka but somewhere deep in you malungkot ka pa rin and you have no power to show off that feeling. Ang hirap kaya nun bes, pero well iyon ang reality. admit it or not marami sa atin ang pinipiling maging secret admirer ng ating mga kaibigan just for the sake na hindi malagay sa alanganin ang relasyon niyo bilang magkaibigan.

2. Why spend PhP180 for 2-piece Chickenjoy with extra rice if you can have it for PhP157 through 1-piece Chickenjoy meal + 1-piece Chickenjoy ala carte.
16602574_10155776535716978_8794943430862187148_n

If you are an ultimate fastfood eater. You probably know this chickenjoy order hack.

Pero kung ikaw ay sosyalerang frog or not so chickenjoy lover (as if meron naman aayaw sa chickenjoy) you might not know or even pay attention to this order hack.

Actually may hugot kase ako dyn kaya sinama ko. Hindi dahil sa isa ako sa mga parokyano ng hack na yan but there is something in that scene that hook my attention.

Sa love lagi tayo nagseset ng standards, we tend to choose those people who have the best attributes the one who we see as the “perfect package”, but on our journey looking for that so called “perfect package” we never noticed this “almost perfect package” that you’ve been passing by all the time.

Parang yung 2pcChikenjoy Order hack,  2-piece Chickenjoy with extra rice would be your perfect order, ito yung perfect package for you, kaya mong enjoyin yung 2pc na chickenjoy tapos may extra rice ka pa costly man pero atleast na meet niya yung perfect package na hinahanap mo, On the other hand itong si 1-piece Chickenjoy meal + 1-piece Chickenjoy ala carte ay nilagpasan mo lang along the way though they even have the same attributes of your perfect package.

Same thing as your lovestory, Mas pinili mo pa yung iba kesa dun sa taong matagal mo na nakasama. Magkapareho lang naman sila ng attributes pero dahil sa standard na si-net mo you’ve become blind when it comes to love.

kawawang  1-piece Chickenjoy meal + 1-piece Chickenjoy ala carte na “take for granted zone” lang.

3. 2-piece Chickenjoy with extra rice and large pineapple juice takes the blame. Siguro after niyo panoorin ang commercial na ito, mababago na ang pananaw niyo when it comes with destiny. 6What fairy tales told us are people who are meant to be has almost have the same favorites which make them a perfect match.

Pero sinira yan ng jollibee! (laughs) Sa tingin ko sadyang hanggang sa libro na lang ang happilly ever after love story. Dahil puno ng ups and down at twist and dissappointments ang reality. Pero that is life! wala tayong magagawa we just had to deal with it no matter what.

What’s important is we’ve done our part it’s up to the other party either he/she would take it or leave it. Ang mahalaga alam natin ang role natin sa buhay ng ibang tao. If hanggang dun lang tayo accept it you are not the writer of your own love story it would be absurb if you keep on insisting yourself to another’s lovestory.

May choice ka naman eh, it’s either ikaw ang supportive secret admirer o ikaw ang crazy obsessed psychopath admirer at alam ko na wala naman sa atin ang gusto maging that kind of admirer.

This could be our most tear jerking chicken experience we could ever had, Na tila ba kapag kakain tayo ng chickenjoy ay maalala natin itong kwento na to. Well, effective siya! Pero bes ang hirap maka move on!

 

tumblr_nxm3fquuu91u65h8xo1_400

Nagmahal – Nasaktan – Nag Chikenjoy

#KwentongJollibeeValentineSeries

 

Advertisements

Ikaw… Ako… at Tayo.

anime-art-beautiful-black-and-white-Favim.com-2171987 IKAW… Sino ka ba? Kaibigan? Matalik na Kaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon ka nga isang matalik na kaibigan. Ikaw, Ikaw lang naman ang pinakaiinisan kong babae sa buong mundo ikaw lang kase ang babaeng kilala kong handang magpakatanga sa lalaking mahal na mahal niya. Pero kahit ganun wala naman ako magagawa kase nga ikaw, Ikaw lang naman ang Pinaka Matalik kong kaibigan. Kaya kahit paulit-ulit na lang  kita nakikitang umiiyak dahil sa lalaking kailanman di ka inalagaan ng tama ay nandito pa rin ako… nagbibigay ng payo sayo, mga payo na lagi namang pabor sayo… Mga payong sana noon pa man ay sinunod mo na…

 

7d3ace11f5bd6a0b2cd2b49dabdb8110AKO… Sino nga ba ako? Kaibigan? Matalik na kaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon nga  ako isang matalik na kaibigan.

Ako ay matalik na kaibigan lang…

Kaya naman kahit na Pagod na ako makita kang umiiyak, nasasaktan at nahihirapan wala akong ibang maibibigay kundi ang panyo at mga payo ko.

Na kahit alam ko na kayang-kaya kong higitan ang pagmamahal niya sayo wala naman ako magagawa kundi ang kamustahin lang kayo.

Na sa tuwing aamin ako sayo tungkol sa tunay na nararamdaman ko ang tanging lumalabas sa bibig ko ay “kumain ka na ba?” .

Pero anuman ang pagpupumilit ko ang Ako para sayo ay mananatiling malabo dahil hanggang tropa,bessy, pards, at bestfriend lang ang pagkakakilala mo sa akin.

09dbbc3a6762302c76c2701d8bd02371

 

TAYO…. Sino nga ba Tayo? Magkaibigan? Matalik na magkaibigan…

Oo, Iyon nga. Iyon nga  Tayo ay matalik na magkaibigan.

Iyon lang at wala ng iba…

Masakit pero iyon ang totoo. Meron ngang TAYO pero yung hindi naman TOTOO.

Yung Tayo na Tayo pero Malabo kase nga wala namang tayo.

Magulo at Malabo ganun pala yung feelings kapag matagal mong itinago.

Pero ano pa nga ba magagawa ko? Mahal mo siya, Mahal naman Kita.

Parehas naman tayo nagmamahal ang pagkakaiba nga lang…

Ikaw sa kanya, Ako sayo.