Ang Babae sa Balate Drive

Ang Babae sa Balate Drive

Ni: K

 

Alas onse ng gabi ng siya’y napadpad sa isang kalye,

Kilala sa kababalaghan dala ng Puno ng Balete.

Isang misteryosong babae pinaniniwalaan ang doon nakatira,

Wag ka magpapasiguro dahil baka ika’y mabiktima.

 

Ngunit ang maglalakbay walang katakot-takot.

Kalye patuloy niyang tinahak at nilakad.

Buntot nitong binata kailanman di bumalugtot,

Kaya buong tapang misteryo kanyang hinalugad.

 

Dumating na nga ang inaasahan mangyari ng tadhana.

Babae sa balete kanya na nga nakadaupang palad.

Mga matang nagsalubong animo eksena sa isang pelikula,

Ang mga sumunod pa na eksena ang huhusga sa tula.

 

Ang babae at maglalakbay ay magkakilala pala,

Kwento nilang dalawa itinago lang ng tadhana sa hiwaga.

Ang babaeng kinakatakutan ng sang madla,

Ay tanging iniirog nitong maglalakbay sa tula.

 

Kamatayan ang naghiwalay dalawa,

Kamatayan na siyang hinatol ng tadhana

Sinumpa ang dalaga na mapako sa pagiisa.

Pagkabuhay naman sa katawan ng iba ang ganti sa binata.

 

Ang kwentong ito na di man lang natin natalima,

Pagkat pilit ito tinago  sa katatakutan at kadaliman.

Takot ipaalam sa madla ang kapuutan nitong tadhana,

Sa dalawang nagmamahalan noon na walang hangganan.

 

Ngunit ang kwento nitong dalawa ay mapait,

Wala silang magawa para magkasama ulit.

Kanilang kwento matagal nang tinuldukan nitong tadhana,

Kwentong naghihintay pa sana ng isa pang kabanata.

 

Kaya sa huli, naghiwalay din ang dalawa,

Napako sa pagiisa sa puno ng balete ang dalaga,

Ang isa naman namuhay sa pait ng kanilang mga alaala,

‘yan  ang mapait na hatol ng tadhana sa kanilang dalawa.

 

Mabuhay man at magtagpo ang landas na ilang ulit,

Kanilang pagiibigan di na nila magagawang ipilit.

Isang alaala na lang, kanilang habambuhay iguguhit.

Isang sugat na kanilang habambuhay bitbit.

 

Ang kwento ng babae sa balete drive,

Ang kwentong pinilit gawing panakot sa madla.

Kwentong nagtanggal ng karapatan para magmahal,

Kwento ng dalawang kaluluwa hinamak ng tadhana.