April Fools

“April Fools”
Ni: Inah Dez

Mahal abril nanaman nanalapit na ang anibersaryo nating dalawa.
Naalala ko pa nung mga panahon na sobra nating sweet sa isa’t isa,
Halos daigin pa natin ang tambalang Claudine at Rico Yan.
Ayaw natin malayo sa isa’t isa.
Kulang na lang ay mag sama na tayo noon sa isang bahay.
Pero lumipas an gang araw, buwan at taon.
Ating pagsasamahan ay sinubok na panahon.
Sa akin ba ika’y nagsawa na? o sadyang ako lang ang sayo’y nagkulang?
Ang dating Rico Yan ng buhay ko bakit tila umiiwas na sa mga tawag ko.
Ang dating anibersaryo puno ng pananabik at kasiyahan,
Bakit kailangan mabahiran ng pagduda.
Ang dating ikaw na sa akin ay dapat bakit nakita ko may kasama na iba.
Takot ako sayo magpakita, baka maging sanhi pa ng away.
Tinago ko ang sakit, pinilit ko ngumiti.
Ang mga sugat sa loob ng sugat siya tuwina sa damdamin ko’y tumatarak.
Mahal? Matagal na rin pala nang huli tayo nagkamustahan.
Sa trabaho kapwa tayo abala,
Kaya ni’minsan di kita ginambala.
Nakatira nga tayo sa isang bahay,
Ngunit bakit presensya mo di ko na madama.
Mahal, tapos na ba an gating istorya?
Sa iba ka na ba lumiligaya?
Sa akin ba ay wala ka ng gana?
Sa relasyon ba natin ika’y ba suko na?
Mahal, Hindi na kilala.
Hindi na ikaw ang lalake pinangarap ko iharap sa dambana.
Hindi na ikaw ang lalake kasama ko bumuo ng mga pangarap.
Mahal, Nag-iba ka na…
Hindi na ikaw ang aking Mahal.
At alam ko na sa mga oras na ito,
O marahil nitong mga nagdaan mga araw, buwan at taon,
Alam ko na hindi na rin ako ang mahal mo.
Kaya ano ba silbi nitong relasyon na ito?
Kung parehas lang tayo wala na tiwala sa sinumulan nating mabuo.
Oo, alam ko april fools ngayon.
At marahil tatawanan mo lang ako,
At sasabihin na ano namang pakulo ito.
Pero sawa na ako, Pagod na ako.
Maghiwalay na tayo.
Hindi ito April fools o anumang klase ng pakulo.
Bakit kailangan ko pa ng April fools?
Eh ilang taon na rin akong nagpakafool sayo.
At salamat sa April fools ngayong taon.
Dahil magagawa ko nang bitawan ang mga salitang ito.
At sabihin sayo na napikon na ko sa mga joke mo kaya serseyohin na kita.
Kung ikaw nga nagawa mo kong lokohin kahit hindi April Fools,
Ngayon naman ako naman ang babawi sa mga panglolokong ginawa mo sa akin.
Puputulin ko na ang joke na naguugnayan sa relasyon natin.
Dahil sa araw na ito, TangIn@ mo! April fools mo ‘to! Break na tayo!

Stuck between “Forever” and “For-never”

“Five,Six,Seven,Eight,Nine,Ten, Eleven… Forever and Ever…”

Diba  yan ang Sagot mo sakin nung tinanong kita kung magtatagal tayo?

“FOREVER”

Ang sarap lang pakinggan, Lalo na galing  sa iyong mga  labi.
Damang-dama ko pa nga yung init ng hininga mo, yung hininga mo na kahit amoy  suka pero nakakakilig.

Teka lang… Bakit nga pala amoy  suka  ang hininga mo nun?
Ay Oo nga pala! Kumain nga pala tayo nun ng kwek-kwek kina aling  tasing.

Ewan ko ba kung bakit trip na trip mo inumin yung suka  everytime  na kumakain tayo ng kwek-kwek…

Nung una nandidiri ako dun sa maasim-asim na hagod  ng hininga mo Lalo na kapag magcucuddle tayo after eating kwek-kwek, pero sabi nga nila  “Sanayan lang yan!”
Saka na-realized ko rin ok  na amoy  suka  ang hininga mo atleast  sure ako na ako lang makakasikmura niyan at walang ibang mangangahas na patusin pa.

So iyon nga, diba  nasa  usaping forever tayo?
Akala ko ba uso  sayo yung “forever and ever”?!
May pa-effect ka pang gaya-gaya ng linya  ni  John Llyold , pero wala rin…

Tama  nga! Arkitekto ka nga! Panay drawing ka lang eh!

Langya ka! Kala ko ako na si Basha! Ang ending Bashang-basha (basang-basa) ang unan ko sa pagsalo ng mga  luha  ko.

Pakshet kase tong popoy wannabe na to! Inistuck  ako sa pagitan ng Forever at For never! Yung feeling na akala ko siya na pero isa  din palang  paasa!

Yung binigay ko na lahat! Pati yung Bataan sumuko na! Pero wala iniwan  pa rin ako ng loko!

Hay nako! Ayoko na! Sawa na ako sa usapang  forever! Lagi na lang sa For never getting back together ang ending.

Di na rin ako kakain ng kwek-kwek!

Di Mali…. Di na ako magmamahal ng lalaking Amoy sawsawan ng Kwek-kwek.