Jeepney Love Story

Paano ko ba sasabihin?

Kung malabong ako‟y sagutin

Pagkat sino nga ba ako?

Diba pasahero lang din tulad mo.

Tumakbo na nga ang Jeepney,

Pero mata ko sayo‟y nanatili;

Iniisip na sana ika‟y akin,

Pangako ko naman di ka paluluhain.

Ngunit lahat ay naglaho,

Nang sinabi mong doon ka lang sa kanto;

Ako‟y nalungkot at sumimangot.

Pagkat ang panaginip ay nauwi sa bangungot.

Di ko man gustuhin,

Pero kailangan ko nang putulin.

Kay hirap mang tanggapin,

Pero ito‟y para sa akin.

Jeep ay umaandar at biglang huminto.

Sa pagpreno muling nagkulay ang mundo.

Puso ba‟y sadyang di makuntento

O sadyang sabik sa panibagong kwento.

The Return of the Comeback (Ang Pagbabalik ni Hudas Barabas mula sa purgatory)

Second chances? Pagkakataon? Paano nga ba malalaman kung karapat-dapat sya sa second chance, third chance, fourth chance o kahit ilang chance pa yan!

Karapatan ba ito na dapat ibigay sa bawat tao? Na kahit pauulit kang lokohin, yurakan, abusuhin, gamitin at patuloy na saktan at ibigay ang lahat na maging ang bataan nagawa mo na isuko, wala pa rin nagawa ka pa rin nila lokohin? Mahal na mahal mo siya, lahat ng bagay ginagawa mo para lang maparamdam mo sa kanya na mahal mo siya, yung feeling na handa kang mag mukhang tanga at martir sa harap ng maraming tao maparamdam mo lang sa kanya na mahal mo siya.

Tapos sa isang iglap, sa di malaman-lamang kadahilanan bigla ka niya iniwan. Dun pa sa panahon na handa ka nang makasama siya habang buhay. Yung tipong sobrang saya mo na sa piling niya pero ang ending iiwananan ka lang din pala.

Tapos nagpaka imbestigador ka para lang malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na dahilan, sinubukan ungkatin lahat ng mga bagay na pinagawayan niyo, tinignan ang mga past convo mo may nasabi ka bang mali? Wala! Oo, Wala ka naman nagawa o nasabing mali.

Tapos isang araw habang naghahanap ka ng kasagutan sa mga tanong kung ano nga ba ang nangyari kusa na itong lumabas at nagpakita sayo. Wala pala sayo ang problema nasa kanya!  Matagal ka na pala niya niloloko at ginagamit sadyang tanga ka lang at nagpakabulag sa pagmamahal sa kanya.

Sa totoo tanggap mo na ang lahat. Handa ka na salubungin ang 2017 na single eh. t nabura mo na rin lahat ng pictures niyong dalawa, napalitan mo na ang wallpaper mo at nakakakain ka na ulit sa favorite resto niyo.

Tapos gabi bago ang fireworks ang new year countdown bigla-bigla na naman siyang magpaparamdam at manunuyo sayo tapos aakitin ka pa sa mga litanyang “Nagsisi na ako, Mahal pa rin kita…”

Isang mabigat na desisyon, ang makipagbalikan sa taong tumarantado sa’yo. Pero wala na, nangingibabaw ang kahinaan mo naniwala ka sa sabi-sabi na masama ang may kaaway sa huling gabi ng taon kaya naman ang pusong galit sa isang saglit muling umibig. Pinatawad ang walanghiyang lalake nakinig sa mga litanyang alam mong puno ng kasinugalingan.

giphy

Pa’kiss nga ko, Namiss kita! Gago ka! 

Ano ang magagawa mo?New year na bukas! Malay mo New Year’s Resolution niya ang maging good boy saka masisi ka ba ng mapanghusga mong kapwa eh nasasabik ka lang naman din sa halik ni Hudas.

tumblr_inline_neufcsaftl1rkygkg

“The Return of the Comeback

(Ang Pagbabalik ni Hudas Barabas mula sa purgatory)”

Ni: Shamushi Kaishin

Tula ng Makata

Buwan ng Wika,
Nung panahong una silang nagkakilala.
Kapwa silang makata.
Mga nilalang  na tagataguyod ng wika.

Nagsimula ang istorya sa pag gawa ng isang piyesa.
Piyesa na para sa wika  sana,
Ngunit nang lumaon naging  para sa kanilang dalawa.

Mga letrang nilapat  at tinugma,
Unti-unti sa mga damdamin nila ay pumana.

Mga  kapeng naubos,
Boses na namaos,
Emosyong binuhos
Nagbigay daan  sa pagiibigan biglang  umagos.

Dumating na nga ang kinakatakutan nila,
Ang tula ay tulayan na nilang tinapos.
Wala nang  rason para muli silang magtagpo.

Tapos na ang piyesa,
Pero nangangalit pa rin ang mga haraya.
Nagnanais pa rin na bumuo ng obra.
Ngunit Hindi na patungkol sa wika.
Gusto nito  ay para sa kanilang dalawa.

Na sa pag sambit nila ng “Mahal Kita”,
Tutugon abg bawat sa saliw ng bagong  piyesa.
Hindi na ito patungkol sa wika.
Tatapos ito sa kanilang pagiging makata.

Tadhana ang siyang magdidikta.
Sa kapangyarihan ng wika,
Isang tula ang magsisimula.
Tauhan  ang dalawang makata

Sa puntong  iyon Hindi lang sila makakata.
Sila ay ganap na hari  at reyna  ng mga tugma.

Hari at Reyna  ng mga tugma.
Noon sa salita lang nag tutugma.
Ngayon maging sa damdamin at kaluluwa.
Di man kapanipaniwala ngunit kakaiba kumilos ang tadhana.

Kinangsakapan ang mayamang wika.
Sa isang istoryang kay  ganda.
Sinulat ng wika  at nililok ng tadhana.
Iyan ang kwento ng dalawang  makata.

Suspended

Urgh… Anlamig…

Gumising ako ng maaga,
Pinainit ang  tubig  sa  kaserola.
Malakas ang  ulan,
Gusto ko pa yakapin ang  unan.

Pero  kailangan na kumilos,
Maaga pa ang  first subject ko…

Lumabas na ako ng bahay,
Bahang kalsada ang  sa  akin bumungad.
Ala!Sige  lusong! Waterproof ata  to!

Basang  nakarating sa  classroom,
Mga  kaklaseng lahat ay  busy
Tutok sa  Facebook, Abangers  sa  announcement ng suspension.

Dumating na nga  si  first prof.
Nawalan na ng Pag-asa ang  buong klase sa  suspension.

Nang magtagal tanggap namin na wala talaga,
Na kahit ano gawin  namin di  na talaga.

Pero  maya-maya ay may lumibot.
Pinamalita na Suspended na ang  klase.

Natuwa ang  ilan, ang  iba  nayamot naman.

Ako? Wala… Sanay  na ako.
Lagi  naman kase  ganun, puro  late call…

…ganun din kase  ginawa  niya  sa akin. Pinatagal pa ang  pagsagot tapos  bandang  huli hindi rin  ang  sagot.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako lumusong sa  ulan, Di ko na sana nilabanan ang  tadhana.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako nagpainit ng tubig  sa  kaserola, Di ko na sana Pinatulan ang tukso ng tadhana.

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga di  na sana ako bumangon sa  kama, Di ko na sana Pinahintulutan ang  pagpasok mo sa  aking mga  panaginip…

Kung Sinabi lang kase  ng mas  maaga…

Kung Sinabi  mo  lang…

Kung Sinabi…

Kung…

Kung Sinabi mo  lang Suspend na di  na sana ako Pumasok…
Kung Sinabi mo  lang Di mo  ko kayang mahalin di na sana ako Umasa  pa.

Oo, Hindi ka taga PAG-ASA, pero  isa  ka tunay na PAASA.

Sa Pagitan ng Ikaw at Ako

Kamusta ka na?
Nahanap mo  na ba  ang  hinihingi mo  sa’king  espasyo?
Ang mga  oras  mo  na nais  mong makuha?
Tunay mo  na nga  bang natagpuan ang  mga  ito?

Sabihin mo  sa  akin kamusta ka  na?
Napagtanto mo  na ba  ang  “Ako” sa  “Iyo”,
Ang ” Tayo” na sinabi mong “Malabo” ?
O hanggang ngayon ang  isip mo ay nasa “Kayo” na alam  mong matagal nang  sinira  nung  ex mong siraulo.

Kamusta ka  na?
Matagal na rin  nung  huli  kita  nakita,
Pinili kong  lumayo pagkat di  ko kayang makita kang lumuluha.
Lumuluha at nagpapakatanga sa  lalaking hindi ka  kayang pahalagahan.

Kaya  sabihin mo sa  akin, Kamusta ka  na?
Sa  pagitan ba  ng “Ikaw” at “Ako” di  na ba natin talaga maisisingit ang  Tayo?
Na habang buhay mo  na lang panghahawakan Ang sirang “Kayo”?

Kamusta ka  na?
Yan  na ang  huling  tanong ko.
Pagkat sinasabi ko Sayo,
Magbabalik na Ako.

Handa  na ako , harapin  ang  ” Kayo ”
Na Hindi mo  magawa-gawang itapon at ibato.
At patutunayan ko na ang “Tayo”
Sa  pagitan ng Ikaw at Ako
Ay  Hindi malabo,
pagkat ang  pag-ibig ko sayo  ay  totoo.

Pasukan na!

Sa  wakas! Pasukan na!
May rason  na rin  ako para umalis sa  bahay, may allowance na  ulit, at syempre higit sa  makikita na kita ulit.

Grabe, 3 buwan din tayong  di nagkita at nagkausap. Di  mo  kase sinasagot mga  pm’s  ko sayo tapos  yung  number na  binigay mo  sakin  laging  out of coverage area.

Nung  march tayo huling  nagkita eh. Nung ibinigay sayo  yung  chapter 2 ng thesis niyo na  pinagawa sakin. Naalala ko pa nga  nun sabi mo  sakin  4 days due lang yun  pero  dahil inspired  all sayo  natapos ko yun  ng 2 nights. Di  ko na nga nagawa yung  isa  kong  plate para matapos ko yun  pero  ok  lang kase sabi  mo  ang  group mo  highest at ikaw naman ang  may most outstanding chapter.

Hay nako, sana bumilis na yung  oras  para makita na kita  ulit. Alam ko kase na kakailanganin mo  ulit ako sa  mga  projects at assignments mo.

Pero??? Hanggang  ganito na lang na tayo? O meron  bang tayo?
Pasukan na bukas… Isang  buong school year ba  ako ulit aasa  sayo?

Magtatapos na nga tayo ng kolehiyo.
At ilang thesis,projects at assignments mo  na rin Ang nagawa ko.
Pero  ang  salitang TAYO sa  relasyon mayroon  tayo ay mananatili pa rin bang MALABO?

Akala ko ba  “OK” ako at “The best”?
Iyan  kase ang sagot  mo  sakin  sa  tuwing  ibinibigay ko sayo  ang  mga  pinagagagawa mo sa  akin.

Isa lang bang metaphoric expression yun  na ang  tunay na kahulagan ay  “Thank you” o isang  Sarcastic expression na ang  kahulugan ay  “OK to! Sige  sa  susunod na lang ulit.”

Ayoko sana magisip ng masama,
Na ginagamit mo  lang ako pero  parang  iyon lang ang  malinaw sa  ugnayan na meron  tayo.

Kaya  matutulog na ako, excited na ako makita ka! Excited na ako ipakita sayo  na Hindi na ako yung lalakeng kaya mong gaguhin at gamitin. Iba  na ako…

Iba  na ako. Nagbago na ako!

Umasa o Paasa

Beautiful and witty ka daw. Ika  nga nila, “Nasayo na ang lahat”. Near to perfection para sa akin.

Kaya siguro maswerte na ako at napabililang pa ako sa iilan mong lalaking kaibigan.

Simula nang mag bakasyon madalas na tayong nagkakausap. Palitan ng opinyon, ideya, mga kwento at minsan pasundot-sundot na landiian at pacheesyhan.

Oo, siguro ang ilang oras na nagiging  araw at mga araw na nagiging linggo  at ang mga linggong na inabot na ng  buwan. Sa mga panahong iyon nakasanayan na kitang  kausap, hinahanap na kita at siguro nagsimula na rin kita mahalin.

At ito na nga nagsimula na kita mahalin…

Pero hindi  pwede! Alam ko, alam mo, alam nila, at alam ng lahat. Hindi pwedeng  maging tayo. Meron na kasi sayong nagmamayari. At hilingin o pagpilitan ko man ang lalaking iyon ay malinaw na hindi  ako.

Nauna siya sayo. At oo sampid lang ako sa love story niyo. Supporting character sa fairy tale niyo. Isang Clown na trabaho lamang pasayahin ang prinsesa  habang wala pa ang kanyang  prinsepe.

Pero sino ba ang may sala?
Ako ba na masyadong nalulong sa saliw ng iyong mga awitin o ikaw tong patuloy na nangaakit sa matatamis mong awitin.

Di ko alam…
Wala akong alam.

Sa mundo ba ng nga inlababo hamak  ba lagi ang mga umaasa? O sadyang nabulag lang kami ng aming  inakalang pag-asa?

Mali nga bang kiligin ganon  alam ko namang  Hindi ka magiging akin.
Msyado nga bang nalibang kaya ngayon ako’y nahibang na.

Ang labo! Masyadong kumplikado. Pero hahayaan ko na lang. May plot twist pa naman ang bawat kwento.

Dun na lang muna  ako kakapit.
Baka doon  wala nang sabit.

Stuck between “Forever” and “For-never”

“Five,Six,Seven,Eight,Nine,Ten, Eleven… Forever and Ever…”

Diba  yan ang Sagot mo sakin nung tinanong kita kung magtatagal tayo?

“FOREVER”

Ang sarap lang pakinggan, Lalo na galing  sa iyong mga  labi.
Damang-dama ko pa nga yung init ng hininga mo, yung hininga mo na kahit amoy  suka pero nakakakilig.

Teka lang… Bakit nga pala amoy  suka  ang hininga mo nun?
Ay Oo nga pala! Kumain nga pala tayo nun ng kwek-kwek kina aling  tasing.

Ewan ko ba kung bakit trip na trip mo inumin yung suka  everytime  na kumakain tayo ng kwek-kwek…

Nung una nandidiri ako dun sa maasim-asim na hagod  ng hininga mo Lalo na kapag magcucuddle tayo after eating kwek-kwek, pero sabi nga nila  “Sanayan lang yan!”
Saka na-realized ko rin ok  na amoy  suka  ang hininga mo atleast  sure ako na ako lang makakasikmura niyan at walang ibang mangangahas na patusin pa.

So iyon nga, diba  nasa  usaping forever tayo?
Akala ko ba uso  sayo yung “forever and ever”?!
May pa-effect ka pang gaya-gaya ng linya  ni  John Llyold , pero wala rin…

Tama  nga! Arkitekto ka nga! Panay drawing ka lang eh!

Langya ka! Kala ko ako na si Basha! Ang ending Bashang-basha (basang-basa) ang unan ko sa pagsalo ng mga  luha  ko.

Pakshet kase tong popoy wannabe na to! Inistuck  ako sa pagitan ng Forever at For never! Yung feeling na akala ko siya na pero isa  din palang  paasa!

Yung binigay ko na lahat! Pati yung Bataan sumuko na! Pero wala iniwan  pa rin ako ng loko!

Hay nako! Ayoko na! Sawa na ako sa usapang  forever! Lagi na lang sa For never getting back together ang ending.

Di na rin ako kakain ng kwek-kwek!

Di Mali…. Di na ako magmamahal ng lalaking Amoy sawsawan ng Kwek-kwek.

Stuck between “Forever” and “For-never”

“Five,Six,Seven,Eight,Nine,Ten, Eleven… Forever and Ever…”

Diba  yan ang Sagot mo sakin nung tinanong kita kung magtatagal tayo?

“FOREVER”

Ang sarap lang pakinggan, Lalo na galing  sa iyong mga  labi.
Damang-dama ko pa nga yung init ng hininga mo, yung hininga mo na kahit amoy  suka pero nakakakilig.

Teka lang… Bakit nga pala amoy  suka  ang hininga mo nun?
Ay Oo nga pala! Kumain nga pala tayo nun ng kwek-kwek kina aling  tasing.

Ewan ko ba kung bakit trip na trip mo inumin yung suka  everytime  na kumakain tayo ng kwek-kwek…

Nung una nandidiri ako dun sa maasim-asim na hagod  ng hininga mo Lalo na kapag magcucuddle tayo after eating kwek-kwek, pero sabi nga nila  “Sanayan lang yan!”
Saka na-realized ko rin ok  na amoy  suka  ang hininga mo atleast  sure ako na ako lang makakasikmura niyan at walang ibang mangangahas na patusin pa.

So iyon nga, diba  nasa  usaping forever tayo?
Akala ko ba uso  sayo yung “forever and ever”?!
May pa-effect ka pang gaya-gaya ng linya  ni  John Llyold , pero wala rin…

Tama  nga! Arkitekto ka nga! Panay drawing ka lang eh!

Langya ka! Kala ko ako na si Basha! Ang ending Bashang-basha (basang-basa) ang unan ko sa pagsalo ng mga  luha  ko.

Pakshet kase tong popoy wannabe na to! Inistuck  ako sa pagitan ng Forever at For never! Yung feeling na akala ko siya na pero isa  din palang  paasa!

Yung binigay ko na lahat! Pati yung Bataan sumuko na! Pero wala iniwan  pa rin ako ng loko!

Hay nako! Ayoko na! Sawa na ako sa usapang  forever! Lagi na lang sa For never getting back together ang ending.

Di na rin ako kakain ng kwek-kwek!

Di Mali…. Di na ako magmamahal ng lalaking Amoy sawsawan ng Kwek-kwek.

Bakasyon

“Sa Wakas!”

Yan na lamang ang mga salitang bumulalas sa aking bibig.

Bakasyon na! Makakahinga na rin ako.

Ilang  araw ding nagtiis, mga gabing  puno ng hinagpis.
Sa wakas  natapos na rin.

Ilang  luha  na ba ang naipon?
Di ko na mabilang kung ilang  gallon.
Mga  alaalang pabaon,
Sa lupa  ba’y kailangan ibaon?

Bakasyon…Bakasyon… Bakasyon
Hay… Saan  ba ang akin destinasyon?
Narating ko na ang lahat ng istasyon.

Pero wala…
Wala pa rin…

Bakasyon? Bakasyon? Bakasyon?
Saan  nga ba ang aking  destinasyon?

Mga  araw na tiniis,
Mga  gabing  puno ng hinagpis
Sa wakas  natapos na rin.

Bakasyon…Bakasyon…Bakasyon…

Ikaw na ba ang destinasyon.