Ginoo at Binibining Buwan ng Wika 2017, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina

 

 

Panoorin at saksihan ang Ginoo at Binibining Buwan ng Wika 2017 sa darating na Martes, Agosto 22, 2017 sa Teatro Marikina alas-kwatro ng hapon magbubukas ang pinto para sa lahat ng gustong manood. Libre ito!

Social Work - Jubelle GarzonSocial Work - Japhet MartinezSHSSHS Grand Winner male - Ian Russel GuevarraSHS Grand Winner - Angel FranciscoSHS 2nd RU - Guinevere PahilangaSHS 2nd RU - Guinevere Pahilanga (2)shs 1st ru male - Marial JumuadPsychology - Brett ModestopsychI.T - Vincent CabigtingIHRMhEducation - Jonalyn VillasinEducation - Carlo Mendiola (2)Criminology - Rayzelle AngelesCriminology - Jhon Pol MesaCHTMCHTM 2Business Administration2Business AdministrationBAPA 2BAPA 2 (2)

#GBBW2017 #WFWM2017

 

Advertisements

Bakit kailangan niyo mag kita-kita para sa “kita kita”?

So ito na nga yun mga bes! So last night nanonood ako nung “kita kita”. Sa totoo lang bes di ko talaga ineexpect na ganito ang magiging epekto niya sa akin. Akala ko tipikal na pinoy rom-com siya pero bes I was wrong.

Kaya naman sa blog ko na ito, bibigyan kita ng 10 dahilan kung bakit kailangan niyo magkita-kita para lang mapanood ang kita kita sa sinehan near you. At para mas masaya I will make this post the “Lea and Tonio” (Leading role sa movie) way. 

1. Isa, mag-isa lang ako nanonood sa sine. Pero bes kahit mag isa lang ako feeling ko kasama ko buong barangay grabe walang dead air sa sinehan. Bawat banat ni Tonio (Empoy) lahat nagtatawanan. Actually nanakit panga ko sa kakatawa.

2. Dalawa, Dalawang buwan kong inantay ang showing nito. At di tulad nung paasang babaeng nakilala ko sa tinder, Bes ito worth it! As in super worth it ang paghihintay ko. Di ko alam kung paano ko siya ipuput into words pero super ganda talaga.

3. Tatlo, Tatlong beses ko pinigilan ang pagihi sa loob ng sinehan. Kase ayaw ko pumuslit at may mamiss na eksena. Kase nga simula pa lang panalo na. Na-hook na ako. Kumbaga na love at first sight ako. 

4. Apat, Apat na beses ako nautot sa kakatawa. Grabe buti na lang at malakas din ang tawanan sa sinehan kase kung hindi nako instant celebrity ako nun. Pero RT talaga. Nakaapat ako dun. Grabe kase di ko na napigilan. Buti nga di ako kinabag kakatawa eh.

5. Lima, Lima lang ang karakter sa kwento. Kaya hindi mahirap tandaan ang mga casts at hindi paikot-ikot ang kwento. Hindi tulad nung lovelife mo na maraming casting pero pinapa ikot-ikot ka lang naman.

6. Anim, Anim higbi ang ginawa ko noong naging madrama na ang kwento. Oo, umiyak ako! Di ko tinupad ang pangako ko sa sarili na walang iyakan. Wala relate kase bes. Sapul na sapul nga eh! 

7. Pito, Pito whistle yan sa english! Corny diba? Pero bakit kapag si Empoy na bumabato ng mga joke funny pa rin kahit corny! Kaya please lang Master Empoy, “How to be you po?”

8. Walo. Walo ang niyaya ko para samahan nila ako manood pero ayaw nila kase pinoy daw ambaduy pa. Pero ngayon nagkwento ako kanila. Ayun nasa sinehan na sila ngayon. O’diba calling the attention of “Kita Kita” ni-promote ko po ang film niyo, Baka naman..??

9. Siyam, Siyam na beses pinatunayan ni Empoy na “Funny is the new pogi”. As in tinayo ni Empoy ang bandila naming mga hopeless romantic na hindi nabiyayaan ng face value at ng abs. Buhay na patunay si Empoy sa kanta ni Andrew E. na “kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.”.

10. Sampu, Sampung beses ko pinadyak ang mga paa ko dahil sa ending nitong makapigil hininga. As in lahat ng tao sa sinehan ay biglang tumahimik yung tipong parang may dumaan na anghel. Tapos bigla bubukas ang ilaw ng sinehan at makikita mo na lahat ay maluha-luha. Hindi ako OA pero as in lahat talaga. Mapalalake o babae, beki o toms as in lahat ng nasa sinehan. Ganyan kalupit si Idol Empoy.

Sa totoo lang, kulang pa yang mga dahilan na yan, pero bes wag ka na magpatumpik-tumpik pa! Kung gusto mo mabago ang paningin at pananaw mo sa pinoy rom-com movies nako panoorin mo na ang Kita Kita. 

Sama mo friends mo! Tapos mag dare kayo ang unang bumigay at mapaluha manlilibre ng Ice Cream. Share mo ‘to ah. Para pag marami reads popost ko naman ang “10 Aral na nadampot ko sa “Kita Kita”.

Semana Santa…San ka?!

Holy week na. Tambay ka lang ba? Bakit hindi mo gawin mas exciting at reflective ang pagdiriwang mo ngayong taon ng Semana Santa.

At narito ang ilan sa mga maaring mong gawin ngayong Semana Santa 2016:

1.Bisita Iglesia

20130328-IGLESIA-A77-0034

Isa ang Bisita Iglesia sa mga matatandang tradisyon na ginagawa ng mga Katolikong Pilipino tuwing sasapit ang semana santa. Pitong Simbahan ang nakalatag sa listahan ng inyong bibisitahin natatanging Holy week escape na ito. Pito dahil ang bilang na ito ay siya ring sumisimbolo sa Pitong Istasyon ng Krus. Kaya naman hindi lang ito basta-basta pagbisita at pagdalaw sa mga simbahan ito rin ay isang banal at sakradong paglalakbay.

Kaya naman kung naghahanap ka na lang din ng magagalaan ngayong semana santa ay bakit hindi ka na lang mag Bisita Iglesia. Nakapaglakbay ka na Nanampalataya ka pa.

2. Senakulo

maxresdefault.jpg

Ang Senakulo ay isang natatanging pagtatanghal o pag-rereenact ng pagpapakasakit ng ating Panginoon. Sa panahon natin ngayong iba’t-ibang pakulo na rin ang ginagawa sa pagpapalabas dito. Ang iba ginagawa itong Comical, Humorous, Political at ang iba naman ay Musical. Pero ang mahalaga sa pagtatanghal na ito ay ang ating pagninilay sa pagpapakasakit ng ating Panginoon.

Kaya naman kung hilig mo din ang panonood ng mga dula imbes lumayo at gumastos pa kayo bakit hindi na lang kayo manood ng Senakulo sa inyong mga parokya kadalasan libre ang mga ito kaya naman maari mo isama ang buong barkada at sama-sama din kayong magnilay sa buhay at pagpapakasakit n gating panginoon.

3. Pabasa

Pabasa.jpg

Ang pabasa ay isa sa mga matatandang tradisyon na ginagawa nating mga katoliko tuwing semana santa. At dahil na rin sa pagiging moderno ng panahon iba’t-ibang pagbabago na rin ang nangyari sa nakasanayang panata.Ang dating pangmatandang gawain ay ngayong isa na ring panata ng mga kabataan. Ang ilan nga ay ginagawa pa itong “Rap” para mas maging kaenga-engganyo sa bagong henerasyon.

Kaya naman kung Videoke lang naman ang hanap mo ngayong semana santa bakit hindi ka na lang makiisa sa Pabasa at magdasal kasama ang ibang mananampalataya.

Kumanta ka na, Nanampalataya ka pa!

 

Ihanda na ang mga kandila dahil ang susunod sa ating listahan ay…

4. Prusisyon

hi2xf5k4-980x2000.jpg

Sa ating bansa ito  na marahil ang kadalasang kaganapan sa mga kalsada tuwing sasapit ang semana santa. Ito ay ang pag prusisyon o pagiikot ng mga imahe na nagrereprisinta sa mga karakter na nasa Istorya ng pagpapakasakit ng Panginoon Hesukristo.

Kaya kung wala ka rin naman plano sa darating na Semena Santa bakit hindi ka lang makiisa sa Prusisyon o kaya manood nito sa labas ng inyong tahanan, makiisa ka rin sa pagaalay ng dasall habang umiikot ito sa buong lugar na nasasakupan ng inyong parokya.

 

Oh? Ano? May naisip ka na bang gagawin? Pero hindi pa Tapos meron pa tayong isa sa ating listahan…

5. Alay Lakad

antipolo.jpg

Ihanda mo na ang iyong mga paa sa mahaba-habang paglalakad! Ito na ang Alay Lakad!

Ang “Alay Lakad” ay tinuturing na rin na isang tradisyon tuwing sasapit ang Huwebes Santo. Ito ay ang paglalakad ng mga deboto mula sa paanan ng Antipolo paakyat sa Katedral. Sinasabi na taon-taon ay umaabot sa mahigit 10,000 deboto ang nakikiisa sa panatang ito. Kaya naman asahan mo na na marami kang makakasabay sa paglalakad paakyat ng Antipolo.

So  kung Adventure lang din naman ang hanap mo bakit hindi mo yayain ang buong barkada na mag alay lakad sa darating na Huwebes Santo.

Adventure na, Prayer walk pa!

Para sa ating mga Katoliko, Isa ang pagdirawang ng Semana Santa pagpapakita ng ating pananampalataya.

Pero bukod sa pakikiisa sa mga aktibidades ng simbahan sa linggo ito. Nawa sa sarili mismo na natin magsimula ang pagdidiriwang sa sakradong linggo na ito. Magnilay, Magsisi at muling Mabuhay iyan ang mensahe sa atin ng Semana Santa.