Dear Kups, (Ang Reply ni Bes sa Aking Katorpehan)

Dear Kups,

Sa lahat ng lalakeng nakilala ko ikaw ang pinaka kupal! Lakas ng loob mong i-post sa blog ang katorpehan mo! FYI, Hindi ako kinilig sa mga salitang nabasa ko ‘to, sa totoo lang lalo lang ako naiinis sayo.

Ewan ko ba kase kung ano ang problema mo? Bigla ka na lang hindi nagparamdam wala man lang pasabi na nagmamaktol ka na. Nakuha ko na degree ko at lahat-lahat wala man akong narining o natanggap na Congratulations sayo! Noong mga panahon na iyon pinatunayan mo lang sa akin na NAPAKA-KUPAL mong nilalang!

Kaya wag kang ano dyn! at baka ikaw ang anuhin ko! maiinit pa ang dugo ko sayo hanggang ngayon! Masyado kang pabebe hindi porket baby face ka at may dimple ay dadaan-daanin mo ako sa mga pa-cute mo!

Tapos iyan pang post-post mo sa blog, Hay nako! pinagana mo na naman ang pagiging cariñoso mo. Alam mo naman na ‘yan ang pinaka ayaw ko sayo yung pagiging sweet talker mo! Lakas makahatak ng chicks yung mga linyahan mo.

Pero Kups may aaminin din ako sayo, sa totoo lang hindi lang ikaw ang nahulog pati naman ako nagsimula nang magkagusto sayo, wag mo na usisain kung kelan pa at baka kiligin ka pa at lumaki yang ulo mo.

Oo, pwede ka nang magbunyi at kiligin kase pilitin ko man ang sarili kong maiinis sayo dahil sa hindi mo pag chat sa akin ng ilang araw at pag snob ng ilan kong mga tawag alam mo ba noong mga sandaling iyon gusto na kita jombagan dahil parang ipinamukha mo sa akin na totoong nahuhulog na ang loob ko sayo.

Pero dahil sa kakupalan mo ay parang wala lang, Ewan ko ba sayo! Lakas maka-emote sa blog!

Kaya Para sa MAHAL KONG KUPS! (‘o yan capslocks para intense) simula ngayon di na kita bes, tatanggapin ko na yung kakupalan mo at sasalubungin ko pa yung katorpehan mo! Pero gusto ko muna tratuhin mo akong prinsesa. Wag mo ako daanin sa pagiging cariñoso mo at simulan mo (agad-agad) ang pagpapatunay na Loves mo ako (w/ matching laro-laro sa hair) gusto ko makita at ma-experience yung panliligaw nung pinaka kupal na lalake na nakilala ko.

O’yan may sagot na ang bakit mo ah? Wag ka na magdrama di bagay sayo!

Nagmamahal,

Ang Dati mong Bes

 

P.S

Magpakita ka na sa akin! Kupal ka talaga! Miss ko na yung Dimple mo!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s