Walang Sagot sa Lahat ng Bakit

Sa araw-araw na lang, lagi mo inuulan ang sarili mo ng mga bakit?

“Bakit kaya hindi niya ako mapansin?”

“Bakit kaya mahal pa rin niya yung walanghiya niyang Ex?”

“Bakit kaya hanggang mag kaibigan lang kami?”

“Bakit kaya hindi niya ako magawang mahalin?”

Mga bakit na pataksil na sumasaksak sa ating mga damdamin at unti-unti tayo pinapatay sa sampal nitong mga sagot na pilit nating inililihis sa katotohanan at pinapaniwala ang mga sarili natin na kahit wala naman talaga ay mayroon pa ring pag-asa na umayon sa atin ang sagot sa mga tanong na ito.

Wala ka kasing kadala-dala, sinabi na ng utak mo na itigil mo na pero sinunod mo pa rin ang puso mo at patuloy kang nagmahal. Masisi mo ba ang sarili mo? Eh lumaki sa mundo kung saan ang mga tao ay naniniwala sa himala. At ang mahalin ka niya pabalik ang himalang pinagkakadasal-dasal mo.

Wala rin namang mali ang magmahal ng lubusan, Ang ibigay ang buong atensyon at tiwala sa taong mahal mo na walang hinihinging kapalit. Na kahit alam mong ginagamit ka lang niya ay patuloy ka pa rin sa ginagawa mo dahil aminin mo man o hindi ay umaasa ka na magbabago ang lahat at aayon ito iyo.

Pero hindi ganoon ang reyalidad, hindi totoo ang istorya ng isang prinsepeng hinanap ang isang dalagang nakaiwan ng kapares ng sapatos sa kanyang kaharian o ang isang babaeng handang halikan ang isang palaka dahil lamang nakaramdam siya ng pagmamahal.

Pakiramdaman at paunahan sa pagsasabi ng tunay na nararamdaman ang labanan ngayon sa kasalukuyan. Birong tunay ang taguring “Talo ang unang ma-fall o bumigay ang feelings”.

Walang sagot sa lahat ng bakit! Dahil wala rin naman saysay ang pagtatanong ng bakit kung sa una pa lang ay alam mo na hinahanap mong kasagutan. Na kung sa una pa lamang ay alam mo na kung ano ang hangganan ng inyong pagsasamahan, na sa una pa lamang ay alam mo na salitang “TAYO” sa pagitan niyong dalawa ay sadyang malabo.

Wag mo ulanin ang sarili mo ng bakit? ikaw lang mismo ang sasagot sa mga tanong na bumubulabog sa iyong isipan. Kumilos imbis na magsalita. Walang mararating ang mga salitang “Mahal na kita” kung hindi mo ito magagawang patunayan at ipaalam sa kanya.

Ang mga haraya na nagpapatakbo sa malikhain mong kaisipan upang makagawa at makapagsulat ng mga tulang alay sa kanya ay mananatili lamang sa iyong isipan kung hindi mo ito magagawang isabuhay.

Tandaan mo, Walang sagot sa lahat ng bakit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s