Dear Bes,

Dear Bes,

Nagsimula lang naman ang kwento sa simpleng “Hi/Hello” sa Facebook, Naglakas loob na i-chat ka matapos ang isang tagging activity sa iisang litrato sa facebook na nandoon kayong dalawa. Sa totoo lang hindi  naman niya talaga intensyon pahabain ang usapan noong mga panahon na yun pero ewan ba niya kung bakit humaba nang humaba hanggang sa dumalas na nga rin ng dumalas.

Ang simpleng “Hi/Hello” ay nadagdagan na ng “kamusta?” “kumain ka na ba?” at kung ano-ano pang mga introhan para lang mas humaba pa ang  oras ng ating pag-uusap. Hanggang sa hindi na nga niya napiglilan pa ang kanyang nararamdaman. Oo, na-fall na siya sayo.

Pero hindi naman siya ganoong ka- hopeless romantic na para isipin ang simpleng pag post sa blog ng kanyang true feelings ay siyang sagot sa katorpehan na bumabalot sa kanyang katauhan.

Siguro at the back of his mind, He was thinking that he might once and for all confess his true feeling without even waiting in vain for an answer. I mean baka kahit papaano mabawasan ang mga “what ifs” na naglalaro sa isipan niya. What if di niya ako gusto? What if mafriendzone lang ako? thinking those kind of stuffs that this crazy love offer us could make this man think for ages.

And siguro with this hindi na niya kailangan antayin ang sagot mo. If you get his message then decided to give him a chance then it’s an ace for him but if this blog confession makes you say no to him, he can just confidently say “Echosera! Felling mo naman?” . He can even deny it himself and take all the pain discretely na parang vibration lang ng phone niya sa tuwing tumatawag ang parents niya.

Effective din siguro ang pag-snob mo sa mga msg niya at sa hindi niyo paguusap for 1 week 3 days 7 hours 02 minutes and 33 seconds. Kase nagkaroon siya ng enough time para pagisipan ng maiigi itong kalokohan na papasukin niya. For the first time! Kinalimutan niya ang pagkatorpe niya para lang maisulat ang blog na ito.

Tapos na rin siya pagtugma-tugmain ang mga detalye kung paano ka ba niya napusuan na sobra-sobra. Na kung paano ba tila nakikita niyang tadhana ang nagsasabi sa kanya na wag ka na niya pakawalan. Na mula sa mga maliit na detalye na pilit niyang sinasabi sa sarili na baka coincidence lang pero tila patuloy na bumabagabag sa isip niya at pinipilit siyang paniwalain na tadhana talaga ay may gawa noon. Ang isang linggo pagkakaroon niya ng LSS sa OST ng Beauty and Beast at sa hindi niya mawari kung bakit si Belle pa ang nakuha mong gayahin, o maging sa mga litrato na tila ba nagtitinginan mula sa malayo ang mga maliit na detalye na patuloy nagpapabaliw at nagpapalito sa kanyang nararamdaman.

Hindi niya alam. Wala siyang alam. Lalo na sa mga oras na ito na panay lamang ang pindot niya tipaan, bahala na kung anong mga salita ang mabuo ang mahalaga sariling haraya niya ang nagpapatakbo.

Kaya hindi ko pa rin lubos maiisip kung ito nga ba ay isang kumpisal ng isang aspiranteng manliligaw sa isang dilag na siyang diwa ng kanyang mga haraya. Hindi siya umaasa sa matamis na oo, tanging pagkakataon lamang ang kanyang hinihiling. Na sa iyo ang huling hatol…

at ang panapos sa istoryang ito…

 

Secretly Loving Since Sept 30, 2016

Bes (wag sanang Forever)

Advertisements

4 thoughts on “Dear Bes,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s