Tula ng Makata

Buwan ng Wika,
Nung panahong una silang nagkakilala.
Kapwa silang makata.
Mga nilalang  na tagataguyod ng wika.

Nagsimula ang istorya sa pag gawa ng isang piyesa.
Piyesa na para sa wika  sana,
Ngunit nang lumaon naging  para sa kanilang dalawa.

Mga letrang nilapat  at tinugma,
Unti-unti sa mga damdamin nila ay pumana.

Mga  kapeng naubos,
Boses na namaos,
Emosyong binuhos
Nagbigay daan  sa pagiibigan biglang  umagos.

Dumating na nga ang kinakatakutan nila,
Ang tula ay tulayan na nilang tinapos.
Wala nang  rason para muli silang magtagpo.

Tapos na ang piyesa,
Pero nangangalit pa rin ang mga haraya.
Nagnanais pa rin na bumuo ng obra.
Ngunit Hindi na patungkol sa wika.
Gusto nito  ay para sa kanilang dalawa.

Na sa pag sambit nila ng “Mahal Kita”,
Tutugon abg bawat sa saliw ng bagong  piyesa.
Hindi na ito patungkol sa wika.
Tatapos ito sa kanilang pagiging makata.

Tadhana ang siyang magdidikta.
Sa kapangyarihan ng wika,
Isang tula ang magsisimula.
Tauhan  ang dalawang makata

Sa puntong  iyon Hindi lang sila makakata.
Sila ay ganap na hari  at reyna  ng mga tugma.

Hari at Reyna  ng mga tugma.
Noon sa salita lang nag tutugma.
Ngayon maging sa damdamin at kaluluwa.
Di man kapanipaniwala ngunit kakaiba kumilos ang tadhana.

Kinangsakapan ang mayamang wika.
Sa isang istoryang kay  ganda.
Sinulat ng wika  at nililok ng tadhana.
Iyan ang kwento ng dalawang  makata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s