Adobo

Maalat na manamis-namis…
Diba  yan ang timplang gustong-gusto mo sa Adobo?

Naalala ko noong  unang beses  kitang pinag-adobo…
Maalat ang timpla ko, di pa tayo nun close kaya  nilait mo ang luto  ko.
Puro  ka reklamo samantalang nanaid ka pa nga ng kanin sa kaldero.

Oo, aaminin ko type na kita  nun.
Pero dahil nilait mo ang luto  ko haters mo na ako.

Lumipas ang araw at dumalas din ang iyong pagdalaw.
Ewan ko ba kung totoong may thesis kayo o sadyang patay  gutom ka lang.

Wala naman akong magagawa kundi pagluto kayo.
At Oo adobo lang ang kaya  kong iluto.

Hay nako  bakit ba kase kita  nakilala…

At iyon nga dahil napuno na ako sa pangaasar mo binago ko na ang recipe ko.
Ginaya ko yung recipe sa TV.

3 sandok na suka,
2 sandok na toyo,
2 buong pininong bawang,
at 5 kutsurang asukal.

Uhmm… Sarap. Matamis-tamis na Maalat-alat.

At natikman mo na nga…
At syempre nagtakip na ako ng tenga dahil ang alam  ko ilang  sandali lang matapos  mo mailapag ang kutsara ay magsisimula ka na sa panlalait ng luto ko.

5,4,3,2,1

Ayan na…

(Long Silence)

Teka lang may Mali! Bakit di ka nagsalita? Bakit ngumiti ka? Bakit bumilis ang tibok ng puso ko?
Bakit imbes na maiinis ako ay kinikilig ako?

Bakit? Bakit?

At iyon nga dahil sa bagong recipe ko naging  close na tayo.
At oo di nagtagal naging tayo.

Pero Adobo natin nawalan ng tamis.
Naparami ang Toyo at umalat ulit.
At kahit retekihin at lagyan ng asukal ay wala na talaga.

Wala na talaga…

Adobo? Gusto mo pa ba?
O sawa ka na?

Tama  sawa  ka na…
Kaya  tumikim ka ng putahe  ng iba.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s