Si Tanga, Si Martir at Si Dakila

Nagmahal ka na ba?

Nasaktan ka na ba?

Sabi nila hindi raw masasabi na ang isang tao ay nagmahal kung hindi pa siya nasaktan  kailanman. Pero masasabi pa ba natin na pagmamahal ang isang bagay kung palagi na lang tayo nasasaktan?

heartache_by_vranckx-d56bfrm

Si Tanga… Oo mapagmahal siya! Siya ang pinakaloyal na partner sa balat ng lupa. naniniwala siya na “Love wins.” kaya pagdating sa relasyon siya ay handang paulit-ulit na masaktan, mapaglaruan, mauto, magamit, maloko, mabudol-budol dahil sa huli naniniwala pa rin siya na “Love wins”. kaya ang ending inabot na siya sa pagputi ng buhok niya pero ngangabells pa rin. Wala eh! TANGA! “Love wins” pa-more.

44847923

Si Martir… Siya naman ang ever supportive na lover sa balat ng universe! Sa sobrang supportive niya pati pagiging Friendzone, Heartbroken at Supal Overload niya ay patuloy niyang sinusuportahan. Naniniwala kase siya na “Friendship lasts longer.” kaya yun longer din ang ka-dramahan, Third wheeling, at bitterness niya! Wala eh MARTIR daw siya! BEST SUPPORTING ROLE ang peg niya bigyan ng jacket ang mapagpanggap na yan!!!  -_-

kGlbua

Huli, Si Dakila… siya ang bida ng bawat relasyon sa sanlibutan siya si Superman, si Spiderman at si Batman pede ring Super Inggo. Naniniwala siya na “If you love someone you gotta learn to let them go.” mga fans kase ni Steve B kaya yun mga Dakilang Tagapagparaya! Ok lang naman daw kase, kase sabi nga ni Spiderman siguro kung hindi niya pinilit ang relasyon nila ni Mary Jane di sana to namatay. Si Dakila naman tama lang daw na palayain niya si love of his/her life kase mas liligaya ito sa piling ng iba (di pa nakuntento kay Steve B pati si Imelda Papin inodilo din).

Sa Pag-ibig pare-parehas tayong malaya kaya nga walang eksaktong depinisyon ang Love kase iba iba tayo ng persepsyon dito. At ang misteryo ng tunay na kahulugan nito ay wala sa kung ano mang libro,qoutation, kanta at hugot ang tunay na kahulugan nito ay tanging nakadepende lang sa taong nakakaramdam nito.

Pero ganun pa man sana sa huli ay hindi ka matulad kina TANGA, MARTIR at DAKILA.

Ikaw din mahirap nang tumandang dalaga/binata. 🙂

Advertisements

3 thoughts on “Si Tanga, Si Martir at Si Dakila

  1. Pero mas mahirap kung yung tatlong yan yung attributes mo. Tanga ka na nga, martir ka nga, dakila ka pa. Haha. Ang dami kong kakilalang ganyan. Tapos siyempre ako din, tanga minsan. ‘Di ba normal lang naman na maging tanga/martir/dakila sa pag-ibig? Pero ‘pag sobra na, masakit na, awat na. Great post, btw. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s